"Para saan ba kasi 'to?" I asked for the nth time.Hindi ko parin maiisip kung bakit gumagawa ng banner ang twinnie ko.
Sino bang may birthday? Baka may nililigawan na sya? Nakoo! Hindi ako nasabihang nagbibinata na 'tong kambal ko ah?
Hindi sya sumagot.
"May nililigawan ka 'no?" Pang-aasar ko sa kanya.
"Sino yan? Baka kilala ko yan ah?"
"Wala akong nililigawan." Seryoso nyang sabi.
"Ah okay. Chill! Walang ganyanan tinatanong kasi kita eh di ka sumasagot." Sabi ko habang gumugupit ng stars out of colored paper.
Pumasok na lang sya bigla sa kwarto ko at nagsimulang gumawa ng banner.
Nag-uumpisa pa lang kami kaya hindi ko alam ang isusulat nya dito sa banner nya.
Konti na lang talaga iisipin ko nang may nililigawan 'to eh! Ang shungit eh.
"Nagpapagawa si Ayenna." Sagot nya.
"Sino yon?"
Napalingon sya bigla.
"Diba? Kahit sabihin ko, di mo parin kilala." Tatawa-tawa nyang sabi.
Anong meron dito? Kani-kanina lang parang may katabi akong mashunget na tukmol tapos naging asong ulol?
Yung totoo? May period ba 'to ngayon?
"Bakit naman sya nag-papagawa ng banner?" Tanong ko.
"Para sa concert ng RN."
"Fan din sya non?"
"Hindi. Dadaan lang sya. Itong banner? Ididikit nya lang sa pader ng bahay nila. Syempre fan sya!"
Ayan mashunget na naman sya. Sabagay, wala nga namang kakwenta-kwenta yung tanong ko.
"Nako magkakasundo sila ni Bry."
"Oo nga eh."
Sino kaya ang bias nya sa RN? Nako baka magkaroon ng karibal si Bry ah!
"Eh bakit nga pala ngayon ka gumagawa? Eh diba sa saturday pa yon?"
"Yun na nga eh. Yun din ang sinabi ko sa kanya. Kaso sabi nya pipicturan nya pa daw kaya kailangan nya na bukas." Sabi nya habang gumugupit ng letters.
"Eh bakit sayo nya pinagawa?"
"Mahabang kwento." Muntik pa syang mapahinto sa paggawa.
Hindi ako magkakamali, namumula sya.
Pinigilan ko na lang ang tawa ko. Nako big boy na si twinnie!
"I see your true colors shining through." Kanta ko. Pinarinig ko talaga sa kanya.
"Aish! Tumigil ka nga." Lalo syang namula.
Pano ba naman yan! Pano sya magugustuhan ng crush nya kung mashunget na nga sya, torpe pa!
Goodluck twinnie.
Malapit na rin kaming matapos kaya binilisan na namin.
Mahirap na, baka magising si mama sabihin nyan nagbibinata na si Ken MWAHAHA.
Nang natapos kami ay tinignan ko ang ginawa namin.
'We Love You Red Neigh!' Tapos may stars sa paligid. Syempre pula yung banner tapos may maliit na picture ng banda nila.
BINABASA MO ANG
The Three of Us (on-going)
Novela JuvenilBata palang magkakakilala na kami. Naging magkakaibigan hanggang sa naging magbe-bestfriends. Pero paano nga ba ang friendship kapag gumitna na saamin ang love? Mananatili parin ba yung dating pagkakaibigan namin?