Chapter 4:SCHOOL

21 0 0
                                    


"Haay.. Goodmorning Sunshiiineeee!!!" Masayang bati ko sa araw.

Bumangon na ako agad at dumirecho sa CR. 6:00 AM palang pero gising na ako. Excited lang dahil lilipat na si Joshua sa school ngayon. Yiieee..

Napakanta kanta pa nga ako sa banyo habang naliligo "Yooouurr love is like the sun that lights up my whole world, I feel the warmth insaaaiiiaayyydd." Kanta ko. Tsk wala na akong pake kung mali mali pa lyrics ko.

Paglabas ko ay dumirecho ako sa kwarto para magbihis. Pinlantsa ko muna yung uniform ko syempre para naman mukha ako presentable. Pagkatapos kong magbihis ay dumirecho na ako pababa ng hagdan atsaka nagluto. Eggs ang bacon ang nasa ref kaya yun nalang ang niluto ko. Nagsangag naman ako ng kanin para ultimate breakfast!

Maya maya ay nakita ko nang pababa na si Ken. Basa pa ang buhok nya at parang inaantok pa. "Goodmorning!!" Masayang bati ko sa kanya. Ngumiti naman sya. Yun oh! "Bakit parang angganda ng gising mo?"

"Grabe parang lang? Di ba pwedeng maganda talaga?!" Masigla kong sabi sa kanya.

"Bakit nga?" Tanong nya pa. Parang nanghuhuli eh.

"Kaseeee... Kilala mo naman si Joshua diba??"

"Oo naman. Diba sya yung cru--"

"Shhh!!! Baka magising yung mga manok!"

"Wala tayong manok oy!" Bigla naman syang tumawa.

"Oh anong meron kay Joshua?? Nililigawan ka na ba?" Kahit na gustuhin kong mangyari yon ay hindi parin ako natuwa sa sinabi ni Ken.

"Ah basta! Kumain ka na nga lang dyan! Oh, niluto ko yan." Umupo naman sya at sumabay naman akong kumain. Syempre sayang naman yung pinaghirapan ko diba?

Pagtapos kumain ay nagising naman si mama.

"Goodmorning Mama!" Nagulat naman si mama dahil sa inasal ko. Madalas kasi akong wala sa mood tuwing umaga. Tsk! Past is past wag nang balikan pa!

"Aba Goodmorning din sa inyo. Ang aga nyo yata aalis ngayon?"

"Opo mama kasi may kinuwento sakin si Panget tungkol ka Joshua eh.. Diba mama cru--"

"Ken, alam mo, halika na. Sayang naman at gumising pa tayo ng maaga diba? Halika na dali!!!Bye Mama!" Pagputol ko sa sinasabi nya. Hay nako! Puro kalokohan ang lumalabas sa bibig ng batang yan!

Hinatak ko naman sya palabas ng bahay para pigilan ang kung ano mang gusto nyang sabihin pa kay mama.

____________________________

Pagdating ko sa school ay dumirecho ako sa room at nagmasid. Wala sya. Wala si Joshua. Saan kaya ang room nya??

"Jesseeeeee!!! Oh, aga mo yata?" Tumingin si Bry sa akin na parang pinag-aaralan nya ako.

"May hindi ka sinasabi sakin eh! Ano yun? Ha?" She knows me too well.

"Lumipat na si Joshua sa school natin!" Nanlaki agad ang mga mata nya. Tinakpan ko naman agad ang tenga ko dahil alam ko na ang susunod na mangyayari.

"Yiiiiiieeeeeeee!!!!" Malakas na tili ni Bry.

"Alam mo hindi nakatulong yung pagtakip ko ng tenga." Natatawa kong sabi.

"Ay sorry na. Pero wait, seryoso?!" Hindi parin sya talaga makapaniwala?

"Teka, saan ba yung room nya?" Nagtatakang tanong nya. Gusto ko syang sagutin kaso di ko rin alam eh.

The Three of Us (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon