"Riiiiiiinnnggg!!!""Hhmm..." reklamo habang hindi pa rin dumidilat.
Ayoko pang pumasooooook.
Mga bata wag nyo ko gagayahin ah? Baka mahawa kayo ih.
"Arff! Arff!" May naramdaman akong tumalon sa kama at nagpaikot-ikot sa paanan ko.
Kahit hindi ko idilat ang mata ko ah alam kong si Max yon.
Lumapit sya sa akin at dinilaan ang mukha ko. Dahilan kung bakit nagising na ako.
"Goodmorning baby!" Masigla kong bati kay Max sabay yakap dito habang nakahiga padin.
"Arff!" Tuluyan na akong bumangon dahil alam kong di ako tatantanan ng baby ko.
Ang aga aga ang hyper neto, nakakahawa. Tumayo na ako at dumiretso sa banyo.
Paglabas ko ay lumapit ako sa bintana para buksan ito.
Hinawi ko ang kurtina kahit alam king naka-towel lang ako.
Paghawi ko ay may nakita akong kotse sa labas.
Andito na naman sya. Sabi ko sa inyo eh, mas madalas pa dalaw neto kesa sa truck ng basura.
Bakit na naman kaya sya nandidito? Di ko naman 'to driver.
Bago pa sya makalingon sa bintana ay isinara ko na ulit ito.
Nagbihis na ako at lumabas ng kwarto. Dahil magkatapat ang pinto ng kwarto namin ni Ken, kumatok muna ako.
"Ken? Papasok ka ba?" Pagkasabing-pagkasabi ko non ay bumukas ang pinto.
Nakita ko si Ken na buhaghag ang buhok at naka-uniform. Mas matangkad sya sa akin kaya napatingala ako.
Lumayo na ako at dumiretso sa baba.
Pagbaba ko ay naamoy ko agad ang bagong lutong sinangag.
Lumapit ako sa table at sumunod naman si Ken.
"Oh, papasok ka na anak? Wala ka na bang sakit?"
Hinipo naman ni mama si Ken.
"Opo ma, kaya ko na pong pumasok."
Kumain na lang ako.
"Ma, ang sarap naman ng luto nyo." Hindi ako nagsisinungaling dahil ang sarap talaga.
"Hindi ko niluto yan. Dala ni Joshua yan."
Muntik pa akong mabulunan sa sinabi ni mama. Tinapos ko nalang ang pagkain ko at lumabas na ng bahay.
8:30 AM pa ang pasok ni Ken ngayon kaya mamaya pa sya aalis.
Paglabas ko ng bahay ay nakita ko na naman sya na nakasandal sa kotse nya habang naka-pamulsa.
He's going to kill me.
Lumapit ako sa kanya at ngumiti naman sya. Sheeet!
Wag ngayon ah! Wag ngayon!
"Why are you blushing?" Natatawa nyang sabi.
Hay sabi ko na nga ba. Nag-isip na lang ako ng pwedeng ipang-change topic.
"Ikaw naman ang aga-aga nag-eenglish ka." Sabi ko naman.
BINABASA MO ANG
The Three of Us (on-going)
Teen FictionBata palang magkakakilala na kami. Naging magkakaibigan hanggang sa naging magbe-bestfriends. Pero paano nga ba ang friendship kapag gumitna na saamin ang love? Mananatili parin ba yung dating pagkakaibigan namin?