Chapter 3:CALL

38 2 1
                                    


"Panget! Bangon!" Sigaw ni Ken. Hayss. Ang aga-aga naman nangungulit sya! Linggo palang naman ngayon ah.

"Panget! Ayaw mo ba pumasok?" Dahil doon, napabangon ako agad at hinanap ang phone ko. Hindi ko makita iyon, sigurado naman akong ipinatong ko yon sa ibabaw ng desk. Nakita ko naman si Ken na nagsisipilyo at may tuwalya pang nakasabit sa leeg nya. Basa rin ang buhok nya kaya parang naligo sya.

Hindi naman ako magkada-ugaga sa paghahanap ng phone ko. Asan na ba yun?! Iyak na kuu!!

Hindi ko na tinuloy ang paghahanap ko ng phone ko at dumiretso sa CR. Nagmadali narin akong maligo dahil 6:40 na. 7:30 pa naman ang pasok ko pero nag-cocommute lang ako. Dagdagan mo pa ng traffic ay late na ako.

Pagkalabas ko ng CR ay nagmadali na akong magsuot ng uniform ko. Wala na akong pake kung lukot-lukot pa yon. Bakit ba kase hindi ako ginising ng kapatid kong kamatis!

Nagmamadali naman akong lumabas ng kwarto bitbit ang bag ko. Napahinto ako sa pagtakbo ko pababa ng hagdan ng makita ko si mama. "Oh anak, ang aga mo yata nagising ah, at bakit naka-uniform ka?" Napakunot naman ang noo ko dahil sa tanong ni Mama. "Po?" Nakarinig naman ako ng tawa mula sa itaas ng hagdan. Hawak-hawak ni Ken ang phone ko habang nakabukas ang screen nito.

Pagtingin ko ay nanlaki ang mga mata ko. Linggo palang!!! "Ikaw talaga Ken!! Gusto mo bang pugutan ko si Barbie?!" Tumakbo ako pa-akyat ng hagdan para habulin sya. Nanlaki naman ang mata nya.

Hayyss.. Come back here running kamatis!

     Bukod sa kamatis sya, mabilis din sya tumakbo kaya hindi ko sya agad naabutan. Pagakyat nya sa kwarto ay ini-lock nya agad ang pinto para hindi ako makapasok doon. "Ken!! Lumabas ka dyan!! Sisiguraduhin kong malilintikan ka sa ginawa mo!!" Tinutulak-tulak ko ang pinto kahit na alam kong hindi ko mabubukas yon.

#shungalang

   Hayss. Badtrip naman 'to!

   Nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto dahilan para matumba ako papasok ng kwarto. Halos lambitinan ko na ang pinto kaya na-out-of-balance ako. Agad na nakasingit si Ken sa gilid ng pinto kaya nakalabas agad sya. Naghahamon yata 'to ah!

    Sinundan ko sya palabas ng bahay hanggang sa makarating sya sa park. Wala pa masyadong tao dito dahil maaga pa. Napahinto ako ng makita ko ang araw na kakasikat palang. Ang ganda ng literal na araw ngayon. Pero hindi yung araw ko.

   "Aaahhhh!" Gulat na gulat kong sabi ng biglang may humawak sa balikat ko mula sa likod. "Ken!!" Sigaw ko. Tumatawa pa sya ng malakas. Yung halos wala nang bukas. Hindi nya napansin dahil enjoy na enjoy sya sa pagtawa kaya nalapitan ko sya agad. "Huli ka!" Atsaka sya kiniliti ng sobra. "Ahh!! Ahhahaha!! Panget!" Hindi ko narin napigilan ang sarili kong tumawa. Kahit na magmukha pa kaming mga shunga dito ay ayos lang. Basta nahuli ko na si Ken!

_____________________________

    "Oh, kumain na kayong dalawa. Kayo talaga ah, mabuti at magkasundo na kayo, pero wag masyado ha? Nadidisgrasya kayo sa mga kalokohan nyo eh." Natatawa naman ako habang iniisip ang nangyari kanina.

    "Panget! Stop!! Ahahaha!!" Nagkikilitian na kami ng sobra parang mahihimatay na ako. "Aha! Ano?! Uulitin mo pa?! Ha?!" Natatawa parin sya dahil patuloy padin ako sa pagkiliti sa kanya. Kung dati ay nangangamatis sya sa galit, ngayon sa tawa naman. "Hahaha!! Oo na!! Panget!! Ahaha."   Dahil doon huminto na ako. Biglang bumuhos ang malakas na ulan dahilan para magmadali kami dahil basang-basa na kami, kaya umuwi kami ng bahay ng nagmumukhang mga kawawang basang sisiw.

The Three of Us (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon