Chapter 10: MY NEW LOVE

15 1 2
                                    


"Okay na po ba sya?" Narinig ko ang pamilyar na boses ni Joshua. Idinilat ko ang mga mata ko pero nanatili parin akong nakahiga dahil masakit pa din ang ulo ko.

"Ok na sya. Kailangan nya lang magpahinga at as much as possible wag muna syang pumasok bukas. She can stay here hanggang uwian don't worry." Narinig kong sabi ng doctor. Bukod sa nurse ay may naka-assign din na doctor dito sa school.

"Sige po. Salamat po doc." At nakarinig ako ng mga yapak papalayo kaya alam kong umalis na ang doctor.

"Jesse?" Tawag ni Joshua nang makalapit sa akin.

"Mabuti naman gising ka na." Sinubukan kong umupo at tinulak sya sa noo.

"Ikaw kasi eh!"

"Bakit naman?" Natatawa nyang tanong habang nakahawak sa noo nyang namumula na. Psh! Ang puti kasi eh!

"Ang lamig sa sasakyan mo."

"So?"

"Nagkasakit ako."

"Ganon?" Mukha na syang donya ngayon dahil sa skbrang taas ng isa nyang kilay.

"Oo ganon!" Sigaw ko sa mukha nya.

"Grabe naman 'to! Nagkasakit lang nabaliw na!"

"Teka ano bang nangyari?" Pagiiba ko sa usapan. Tutal kwentuhang walang kwenta lang naman ang patutunguhan namin.

"You passed out sa canteen. Tumawag sa akin si Aubrey. Akala ko nga mahihimatay na sa paghihinalo eh." Natatawa nyang sabi.

"Eh asan sila?"

"Kaka-alis nga lang nila. Sabi ko ako na muna ang magbabantay sayo since may klase pa sila. Pumayag naman sila."

" 'may klase pa sila' " Paguulit ko sa sinabi nya. Napakamot nalang sya sa ulo nya.

"Kesa naman gumising ka na walang kasama 'no? Kilala pa naman kita, baka maghinalo ka lang dito."

"Eh sinong nagdala sa akin dito?"

"Ako. Ang bigat mo nga eh."

Inirapan ko sya.

"Sabi ng doctor over fatigue daw. Hindi ka na ba nagpapahinga? Wag mo masyadong pagurin ang sarili mo." Nag-aalala nyang paalala.

"Yes boss!" Sumalido pa ako sa kanya.

"I'm serious." Seryoso nga sya.

"Oo na. Sige na, bumalik ka na sa klase mo."

"Bakit?"

"Ha? Anong bakit?"

"10 minutes na lang uwian na."

Napatingin ako sa relo ko at 3:50 PM na nga.

"Sige. As you wish." Nanloloko kong dabi habang nakangisi.

"Oh, b-bakit?" Natatakot na tanong nya.

"Anong gagawin mo?" Natatakot na tanong nya. He looks so ridiculous. Funny.

"Iinom ng gamot." Sabi ko sabay kuha ng gamot na nakapatong sa table at ininom yon kasunod ang tubig.

"S-sabi ko nga." Nauutal nyang sabi.

Psh! Ang hina!

_____________________________

"Uy, salamat kanina ah?" Sabi ko habang kasabay syang naglalakad.

"Wala yon." Sabay gulo ng buhok ko. Hindi ba ako exempted dahil may sakit ako?

"Ikaw talaga!" Sabay batok sa kanya.

The Three of Us (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon