Chapter 9: PAPEL

7 1 0
                                    



Niyakap nya ako. "Ang ganda ganda mo namang bata ka. Tawagin mo nalang akong tita Carrie." Nakangiti nyang tugon nang bumitaw sya mula sa pagkakayakap. "Sige po tita Carrie!" Masiglang sabi ko. Syempre hindi naman ako sobrang kagandahan pero napuri ako ng ganon. "Gusto mo ba?" Alok sa akin ni tita Carrie ng sandwich. "Sige po!" Sabay kuha noon mula sa mga kamay nya. Syempre, pagkain yon, sino bang makakatanggi don diba?
Nakangiti lang akong pinagmasdan ni tita Carrie habang kumakain ako. Siguro kaya Carrie ang pangalan nya ay dahil sobrang maalaga sya. Sabay kaming kumain ni Joshua ng sandwich habang nagkwe-kwentuhan sa bahay nila.

"Panget, kain tayo." Alok sa akin ni Ken. Lumapit ako at nakiupo na rin. Pagkatapos kumain ay nag-paalam na kami kila mama na papasok na sa school.

"Salamat ha? Nag-abala ka pa talaga." Sabi ni mama.

"Okay lang po tita. Sige po." Talagang pinangatawanan nya na yang 'tita' na yan ah? Kala mo naman mabait.

"Sabay ka na sa amin." Alok ni Joshua kay Ken. Nasa tapat na ako ng kotse habang huminto naman ang dalawa para mag-usap.

"Hindi na, tutal magkaibang schools din tayo eh. Salamat na lang." nakangiting sabi ni Ken.

Yeeesss!! Thank you kambal! Masosolo ko na sy-- aarggh!

"Ganun ba? Oh, sige. Ingat na lang." sabi naman ni Joshua at pinagbuksan ako ng sasakyan. Pina-andar nya ang sasakyan at umalis na kami.

"Swerte mo ah?"

"Bakit?" Tanong ko.

"Nakakadalawang sakay ka na sa asawa ko." Tawa nya.

Ha? May asawa na sya? Kung hindi ko lang talaga sya kasama umiyak na ako. Bakit hindi ko narinig ang tungkol sa kasal?

Hindi naman sya nagsabing may jowa sya ah? Asawa pa! Atsaka ano yun, nakakadalawang sakay?

"Hoy!"

"Ay palaka!" Nagulantang yata ang utak ko.

"Asawa kase. Yung sasakyan."

"A-ah." Napapahiyang sabi ko. Ok, yun naman pala. Masyado lang akong nag-oover-think. Psh, bakit ba hindi ko naisip yon!

Kailan pa naging asawa ang kotse? Yuck!

"Kinasal ba kayo para tawagin mong asawa yan?"

"No. In fact, may asawa na ako pero hindi nya pa alam."

"Ha?!" So may asawa na talaga sya?! Bakit hindi 'to nagsabi sa akin! Tumatawa naman sya habang ako eh naghihinalo na. Hindi ko man lang nakilala nung naging mag-jowa na sila. Tsk! Sino ba yon!

Napaisip ako sa huling sinabi ni Joshua. Hindi nya pa alam. Baka naman hindi pa sya nagpo-propose? Or hindi pa sya sinasagot?

"Bakit ang tahimik mo?" Natatawa nyang sabi. There was something different. Maybe his eyes? They were brighter. I can see a feeling of hapiness.

"Hoy!"

"H-ha?" Nagtatakang tanong ko.
Hayyss. The historical TULALA moment.

"Ano bang nagyayari sayo?"

"A-ah, wala, don't mind me."

Mabuti na lang at saktong dumating na kami sa school.

Saved by the bell.

The Three of Us (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon