"Well, I just wanna say, congratulations." Sabi nya pa. Tumaas ang kilay ko. Bakit? Para saan?Hindi pa ako nagtatanong ay napatawa na sya. I guess he knew what I was thinking.
"Nakamove-on ka na, Jess. You're finally free from him. I can see it." Napangiti ako. Yes, I did. I moved-on. All thanks to him.
"What do you see?" Tanong ko.
"Hapiness." He said. Lalo akong napangiti nang maalala ang mga nangyari.
["Mahal mo pa ba?"] nakakabinging tugon nya mula sa kabilang linya.
Napahinga ako ng malalim.
Mahal ko pa ba sya?
Oo. Baka nga.
"Siguro." Nasagot ko na lang.
["Sige ganito na lang-"]
Oh no.
["Tumawag ka sa kanya."]
What?!
"Tapos?" Pinagdikit ko ang mga palad ko habang mahinang nagdadasal. Sana naman hindi nasaniban ng masamang spirito tong mokong na to!
["Kapag sumagot, uhhh edi sumagot."]
"UGHH!" Nasigaw ko na lang. Narinig kong humahalakhak sya sa kabilang linya.
["Joke lang! Chill ka lang! Kapag sumagot, may feelings pa."]
Nagtaka ako.
"Sino? Kanino?"
["Basta. Tawagan mo na lang."]
Hayyysss. So recklessss. No choice na ko nang makaisip ng idea.
"Pag tinawagan ko sya, ilibre mo ko ha?" Pabiro kong tugon.
["Sige pero ako kakakain."]
...
Napasimangot ako. Pano naging libre yun?
"Hay nako di ko na nga gagawin."
["Edi wag wala kang tub ng cheese ice cream. Bye-"]
"Wait sabi ko nga gagawin ko na eh." Napakamot na lang ako sa ulo ko.
In-end ko yung call at nanginginig ang kamay kong di-nial ang number nya.
Kapag sumagot, may feelings pa.
"Kaya mo yannn sizzzz." Kinakabahan kong tugon sa sarili.
RING! RING! RING!
Wala.
RING! RING! RING!
Wala parin.
Hanggang sa napunta na sa voice mail.
BINABASA MO ANG
The Three of Us (on-going)
Teen FictionBata palang magkakakilala na kami. Naging magkakaibigan hanggang sa naging magbe-bestfriends. Pero paano nga ba ang friendship kapag gumitna na saamin ang love? Mananatili parin ba yung dating pagkakaibigan namin?