"Joshua." Tawag ko sa kanya.Lumingon sya at nakita ko sya.
Ang gwapo nya ngayon. Well, palagi naman eh!
Naka-black suit sya. And it really suits him.
"Jesse?" Tanong nya.
Napasimangot ako. Bakit parang di sya naniniwalang ako 'to?
"Ikaw ba yan? Grabe inabot ka siguro ng tatlong araw sa salon 'no?"
Ay! May amats ang isang to ha!
Gwapo nga kung maka-insulto naman.
Inirapan ko sya.
"Joke lang. Pinapatawa lang naman kita."
Yan! Dyan ka magaling! Dyan ako nahulog eh!
Lalo akong nainis.
"You're so..."
"Ano?" Tanong ko. Aabot na talaga sa jupiter yung kilay ko.
"Beautiful." I didn't expect he'd say that.
Nganga. Yan ang napapala ko.
Dapat talaga hindi ko minamaliit ang gwapong kalutad neto eh!
Ngayon nag-iinit naman ang mukha ko. Hindi ko napigilang ngumiti.
"T-thank you." Nahihiya kong sabi.
Kase! Hamon pa Jesse, hamon pa!
Hindi ko naman mapigilang maisip ang gagawin kong pag-amin.
Papayag kaya sya? O irereject nya ako? Magagalit kaya sya? O matatawa?
Nako! Pwede bang umuwi na lang ako?
This is a big risk!
But I have to take it. It's now or never.
"Hoy!"
"Ay palaka!" Sigaw ko.
"Anong iniisip mo ha?"
Ikaw.
"W-wala." Iniwas ko ang tingin ko sa kanya.
"Tara na nga! Shall we?" Tanong nya habang naglahad ng kamay sa akin.
Ang pangarap ko!
Ngumiti ako at sabay kaming pumasok sa quadrangle.
Bigla na lang akong namangha sa nakita.
The quadrangle is covered with curtains. Pagpasok mo sa loob ay may lights. Colorful lights ang decorations.
May stage sa gitna kung saan nakatapat ang spotlight.
Madaming tables na nagkalat sa paligid.
At higit sa lahat, ang pinaka-nakamamangha dito ay ang mga studyante. Ang gaganda at ang popogi.
Sa paglibot ng mata ko ay nahanap nito si Bry.
"Si Bry oh!" Sabi ko kay Joshua.
"Puntahan mo sya. I'll stick with the team." Sabi nya habang papalapit sa basketball varsity ng school.
Lumapit ako kay Bry at napansin nya ako agad.
"Stunning!" Sabi nya habang papalapit ako sa kanya.
"You too!" Sabi ko tsaka yumakap sa kanya.
"Nako sinong nagpaganda ng husto?" Tanong na mula sa isa ko pang kaibigan na papalapit sa amin.
"Ang pogi mo ah?" Sabi ko kay JP.
BINABASA MO ANG
The Three of Us (on-going)
Ficção AdolescenteBata palang magkakakilala na kami. Naging magkakaibigan hanggang sa naging magbe-bestfriends. Pero paano nga ba ang friendship kapag gumitna na saamin ang love? Mananatili parin ba yung dating pagkakaibigan namin?