Chapter 5:LATE

21 0 0
                                    


"Gusto ko ng... Sinigang! Atsaka nilaga! Atsaka adobo! Atsaka kaldereta! Menudo!" Sigaw ni JP.

Tsk tsk. Demanding naman amp. Hahaha.

"Hahaha!" Tawa naming lahat.

"Ano ba talaga?" Tanong ko kay JP.

"Kahit ano na nga lang! Basta nakakain!" Maarteng sabi ni JP.

"Shunga! Malamang! Pakainin kita ng lason eh! Gusto mo?!" Singit naman ni Bry.

"Hahahaha!" Tawa naming lahat.

Hahaha kahit kelan talaga ay di makausap to nang matino. Hahaha.

"O sige, how about... Sinigang?" Tanong ni Joshua samin. Tumango na lang ako sakanya at nag thumbs up naman si Bry. "Sige." Sabi ni JP.

Umalis muna saglit sa table namin si Joshua para bumili ng lunch namin.

"Hoy teh! Di ka nagsasabi may jowa ka na pala ah!" Maarteng sabi ni JP.

"Hahahaha! Nga naman!" Sabat naamn ni Bry.

"Ano ba kayong dalawa! Magkaibigan lang kami no?! Atsaka, magbestfriend kami nyan kaya ganito kami." Paliwanag ko sa kanila.

"Ano ka?! Sinong niloko mo?! Kitang kita, teh! Yung tingin mo sa kanya! Ang lagkit eh!" Nandidiring sabi ni JP. Natawa naman silang dalawa ni Bry.

"H-hindi kaya!" Patol ko sa kanila.

"Aish! Bahala ka dyan. Niloloko mo sarili mo eh!" Tumatawa parin sila ni Bry. Hindi ko na lang sila pinansin. Buti na lang at dumating na rin si Joshua dala ang pagkain namin.

"Bon Appetit! (Not sure about the spelling >.<)" sabi ni Joshua.

"Ayy!! Gusto ko yaann!!" Sigaw ni JP.

Natawa naman kaming lahat.

"So, clearly, anong meron sa inyo?" Tanong sa amin ni Bry. Muntik ko namang maibuga ang hinihigop kong sabaw ng sinigang.

"H-ha?" Sabay naming sabi ni Joshua.

"I mean, meron bang kay-- Aray!"
Hindi na naituloy ni Bry ang sinasabi nya dahil sinipa ko sya sa ilalim ng table.

"Haha. Actually magbestfriends kami nito eh." Sabak akbay sa akin ni Joshua. Ayan na naman ang kamatis!!

Si Jp at Bry naman ay pigil na pigil ang tawa. Hayss. Ilalaglag ako ng mga to eh!

"Alam nyo, mahal ko to eh!" Biglang sabi ni Joshua.

Nabilaukan yata si Bry habang si JP naman ay naubo. Ako naman ay napahinto.

"As a prend!! Kayo naman oh! Nagbibiro lang naman ako eh!" Hala! Achakettt!! Hindi namin nagets kaagad kaya unti-unti kaming tumingin sa kanya at tumawa ng peke.

"Ha ha ha! S-syempre naman!" Sabi ko habang nakangiti sa kanya.

"Ha ha ha!" Tawa ni Bry at JP.

Aukwaaarrddd...

Pagkatapos namin kumain ay nagpaalam na sa amin si JP at Bry.

The Three of Us (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon