Jesse.Nakatitig lang ako sa professor ko habang naglelesson kami ngayon. Ni-hindi ko namn naiintindihan ang mga sinasabi nya dahil masyado akong abalang tanungin ang sarili ko kung si Jacob ba talaga yung nakita ko. Nakita ko lang naman sya kanina na naglalakad sa hallway.
Nagulat pa nga ako dahil hindi ako makapaniwalang dito pala sya nag-aaral sa Hillian University.
Tss. Ang laki talaga nitong school. Isa pang ipinagtataka ko ay bigla syang nagtago. Hahabulin ko na sana sya kaso nawala na lang sya bigla.
"Earth to Jesse!" Natauhan na lang ako nang marinig ko ang sigaw ni Bry. Naglalabasan na rin ang mga classmates namin.
"Recess na 'te! Nako ha? May pinapangarap ka na dyan eh kawawala lang ni Papa Josh--" hindi na naituloy ni JP nang bigla syang batukan ni Bry.
Bigla na lang akong nakaramdam ng sakit. Pero di kalaunan ay natawa na lang ako ng palihim.
"Ayy sorry. Nakalimutan ko, 'te." Sagot naman ni JP na naka-pout.
"Alam mo John Paul, gutom lang yan!" Sabat ni Jesse.
"John Paul? Yuck sino yun?" Sagot ni JP with matching nandidiri look.
"Yung kabayong for sale dun. Yung wan payb!" Pakikisakay ni Bry. Laughtrip talaga tong dalawang 'to. Siguro kahit mastuck ako sa elevator na kasama ko sila eh hindi ko mararamdamang ilang araw na kami dun.
"Ang cheap naman ng John Paul na yan!" Sabay sabay kaming natawa sa sabi ni JP.
"Tara na nga gutom na ko!" Sabi pa ni Bry atsaka hinila si JP papunta sa canteen habang ako naman ay nakasunod lang sa dalawa.
Malapit na ako sa canteen at hindi ko na matanaw yung dalawa. Tsh. Mga atat sa pagkain.
Lumingon ako para hanapin yun dalawa nang mahagip ng mata ko si--- Jacob. Siya nga yung nakita ko kanina.
Tumakbo ako papunta sa kanya at nang mapansin nya ang nanlaki ang mga mata nya. Agad nyang tinakpan ang mukha nya.
Nangunot naman ang noo ko. Sa tingin nya ba hindi ko sya makikilala?
Hinawakan ko ang kamay nya at pinipilit na tanggalin ito mula sa mukha nya.
Nanlaki ang mata ko hindi dahil nakumpirma ko na si Jacob yun kundi dahil sa nakita ko sa mukha nya. Mukha syang nabugbog.
"Okay ka lang?" Gulat na tanong ko at hinawakan ang mukha nya. He flinched.
"Ayy sorry. Tara sa clinic." Sabi ko atsaka ko sya hinatak sa braso papuntang clinic.
Makakarating na sana kami kaso bigla akong napahinto nang mapansing hindi ko na sya hawak. Paglingon ko ay nakadapa na sya sa daan. Napatakip nalang ako ng bibig hindi dahil sa gulat o takot kundi dahil nagpipigil ako ng tawa.
Nadadapa din pala 'tong unggoy na 'to no?
Hindi ko na napigilan at natawa na ako ng malakas habang sya naman ay asar na asar na tumayo.
"HAHAHAHA!!!"
Bigla akong napahinto nang may maalala.
BINABASA MO ANG
The Three of Us (on-going)
Teen FictionBata palang magkakakilala na kami. Naging magkakaibigan hanggang sa naging magbe-bestfriends. Pero paano nga ba ang friendship kapag gumitna na saamin ang love? Mananatili parin ba yung dating pagkakaibigan namin?