"Ano teh? Anyare senyu?" Bungad ni JP nang matapos ang last subject namin which is yung subject namin after lunch."Ahh, lampa eh! Basta, mahabang kwento!" Natatawang sabi ko.
Kumunot naman ang noo nya.
"Sino?" Nagtataka nyang tanong.
Ano bang tinutukoy nya?
"Anong sino?"
"Yung lampa." Sagot nya.
"Si Jo---"
"Joshuaaaa!!!" Sigaw ni JP. He seems to look at a different direction kaya napatingin na din ako doon.
"Hi!" Sabi ni Joshua. Nasa labas sya ng room pero dahil sa bilis ng mata ni JP ay nakita nya ito kaagad.
"Nakoo.. Halluuuu diiin!!!" Malanding sabi naman ni JP. Natawa nalang kami dahil doon.
"Mga teh! Gala tayuuu!!" Sigaw naman ni JP. Nagliwanang naman ang mukha ni Bry at parang boto pa sya sa idea ni JP.
"Sige!" Sabi naman ni Joshua.
"Lezz guuu!! Gora na!"
"Wait, locker." Sabi ko sa kanila.
"Sama na ako." Sabi naman ni Bry.
"Ako din." Sabi naman ni Joshua.
"Ano? Iwan nyo nanaman ako? Di ako magpapatalo sa inyo 'no?! Lahat na kaya tayo para happy 'no?" Natawa na lang kaming lahat.
Naglakad na kami papunta sa locker area tutal katabi lang naman sya ng canteen.
Pagdating namin ay nagsipuntahan na kami sa kanya kanya naming mga locker.
Inilagay ko ang mga gamit ko doon para wala na akong dadalhin sa 'kung saan naman kami gagala'.
"Tara!" Sabi ni Bry. Excited ah?
Sumunod na kami sa kanya palabas ng school.
"Jeep?" Tanong ko habang nakaturo pa sa jeep na nakaparada sa tapat namin.
"Don't worry, I have a car." Ayss. Oo nga pala. Mayaman nga pala ang loko!
"Naks naman!" Sigaw ni Bry at JP.
Dumiretso kami sa parking lot para kunin ang kotse ni Joshua.
"Ano kayang brand nun?" Bulong ni JP habang naglalakad kami papunta sa parking lot.
"Ng alin?" Sabi ni Bry.
"Nung kotse nya!"
"Baka Mitsubishi lang yan. Haha." Tawa ko.
"Shonga! Malay mo Louis Vuitton pala yan!" Sabi ni JP.
"Edi mas shonga ka!" Sabay naming sabi ni Bry.
Nasa harap naming tatlo si Joshua nang bigla syang huminto. Lumapit sya sa isang kotse na black at-- whaaa?! Mercedes Benz? Nganga.
"Wow." Sabi ni Bry. Lahat ata kami napanganga dahil doon. Di ko inakala na Mercedes ang brand ng sasakyan nya.
Hayss, pahiya nanaman ako. Tsk tsk.
Napangiti naman si Joshua sa mga itsura namin. Wow. Ang gwapo nya.
Dagdag pogi poin-- Aargghh! Ano bang iniisip ko!"What are you waiting for? Hop in!" Masayang sabi ni Joshua kaya naman sabay sabay na napasara ang mga bibig namin at natauhan.
BINABASA MO ANG
The Three of Us (on-going)
Teen FictionBata palang magkakakilala na kami. Naging magkakaibigan hanggang sa naging magbe-bestfriends. Pero paano nga ba ang friendship kapag gumitna na saamin ang love? Mananatili parin ba yung dating pagkakaibigan namin?