Chapter 8: MOMMY

13 1 0
                                    


"Bakit tayo nandito?"

"Galit ka diba? Bili ka ice cream." Nagliwanag naman ang mukha ko. Huminto ako mula sa attemp na pag-palo sa kanya at humarap sa pinto.

Bababa na sana ako ng hawakan nya ang wrist ko."Rocky road." Maikli nyang tugon.

Napatitig ako sa kanya. Napansin ko bigla ang sitwasyon. Parang pinipigilan nya akong lumabas. Ang ganda ng mga mata nya. They are almost sparkling. Wait what? Aargghh!!

Ngumiti ako sa kanya nang matauhan. Bumitaw naman sya dahil parang natauhan na din.

Lumabas na ako ng tuluyan. I turned around before I sighed. Baka makita nya ako eh.

Wag ka nang umasa, Jesse.

Pumasok ako sa store at gaya ng sabi nya, bumili ako ng rocky road at syempre, yung akin ay cheese. Syempre hindi pwedeng mawalan ako neto 'no?

Lumapit na ako sa counter para magbayad.

Dinukot ko mula sa bulsa ko ang one hundred na inabot nya sa akin at ibinigay yon sa cashier.

Uy. Sixty pesos pa yung sukli. Kinuha ko ang sampung piso mula doon.

Baket? May utang sya sakin eh!

Lumabas na ako at nakita ko naman syang nag-aabang.

Pumasok ako ng kotse at saka ibinigay ang ice cream nya kasabay ang sukli.

"Than-- oh? Bakit fifty pesos lang 'to?" Nagtatakang tanong nya. Dendendeeeen!

Patay ka na Jesse!

"Ha? Ah, malaki sila sa presyo eh." Kunwari ay inosenteng sagot ko.

Hindi nya na iyon pinansin na sya namang ikina-ginhawa ko. I silently sighed in my mind.

Pina-andar nya na ulit ang sasakyan.

Kinuha ko naman ang ice cream ko at binukas yon.

Iinggitin ko na lang sya na hindi sya makakakain dahil nag-da-drive sya, haha!

Kumain habang nakaharap sa kanya. Psh! Wala namang pake.

Tumingin ako sa relo ko at 7:30 PM na pala.

Hala lagot! Sabi ko kay mama uuwi na ako ng 7:00 PM! Patay ako neto! May curfew pa naman ako!

Nag-dasal na lang ako na sana bumilis na ang andar ng kotseng 'to o kaya mag-time travel!

"Okay ka lang?" Napatigil ako sa pag-iisip ng magsalita sya.

"U-uhm, m-may curfew kasi ako eh."

"Anong oras ba?" Tanong nya ng hindi man lang tumitingin sakin.

Malamang, gusto mo bang tumingin sya sayo para sabay kayong kunin ni Lord?!

"A-ah, 7:30?" Sabi ko. Nagulat naman ako dahil tumawa sya.

"Bakit? Anong nakakatawa?" Nagtataka pero naiinis kong sabi.

"Ang tanda tanda mo na may curfew ka pa! Ano ka? Grade seven?" Saka sya tumawa ng tuluyan.

The Three of Us (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon