Chapter 22: PAALAM

4 1 6
                                    


"I'm sorry. Hindi ka na ulit iiyak. Pangako yan. Hindi na kita iiwan."

Sabi nya at duon na bumagsak nang husto ang mga luha ko.

Napayakap na lang din ako dahil siguro nga kailangan ko sya.

"Jacob." Sambit ko habang patuloy parin ang pag-iyak ko.

"Masakit eh. Ang sakit sakit. Hindi manlang sya nagpaalam." Sabi ko kahit na pahikbi-hikbi ako.

"Tahan na. Hindi na kita hahayaang umiyak pa nang dahil sa kanya." Ramdam ko ang matinding galit at pag-aalala sa boses nya.

Pero hindi ko parin mapigilang umiyak. Ang sakit eh. Yung bigla bigla na lang syang mang-iiwan.

"Salamat. Salamat dumating ka. Dahil kung hindi, baka nakahandusay na ko sa daan." Sabi ko.

It sounded sarcastic.

"Tara. Ihahatid na kita." Sambit nya. Napatango na lang ako.

Nag-taxi kami pauwi. Buti na lang at pinayagan kami ni manong kahit na basang-basa kami.

Nang makapasok kami sa taxi ay biglang na lang ako napahawak sa magkabila kong braso sa lamig sa loob ng taxi. Siguro na rin ay dahil basa kami.

Nagulat na lang ako nang may pumatong sa likod ko na jacket. Napalingon ako kay Jacob.

"Salamat." Ngumiti lang sya.

"P-pero, paano ka?" Tanong ko.

"Hayaan mo na. Mas nabasa ka." Ngiti nya.

Napangiti na lang din ako.

"Minsan, sa pag-ibig, kailangan mo rin mag-sakripisyo." Napatingin ako sa kanya nang bigla syang nagsalita.

Hindi ko naintidihan ang sinabi nya.

"Ano yon?" Tanong ko.

"Wala." Sabi nya sabay gulo nang buhok ko. Natuyo na kami dahil siguro nga dalawang oras din kami sa taxi.

Nang makarating kami sa tapat ng bahay ay pumasok muna kami sa loob.

"Pasok ka muna." Sabi ko.

Tumango naman sya at sumunod sa loob.

"Anak!" Sabi ni mama nang mapansin kami na papasok.

Niyakap ako agad ni mama.

"Ma, okay na po ako." Sabi ko kay mama at ngumiti.

"Nako salamat sa Diyos at ayos ka lang." Sabi pa ni mama.

"Ayos lang po ako, mama." Sabi ko at lumingon kay Jacob. I mumbled a 'thank you' and he just smiled at me.

"Buti hindi kayo nabasa, ang lakas ng ulan oh." Sabi ni mama.

"Ah, mama nabasa po kami."

"Opo tita basang sisiw po kami nyan kanina." Kung wala lang talaga si mama dito nakutusan ko na yan.

The Three of Us (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon