It's been weeks nang huli kaming magkita. Tama nga ako, he needed time for himself.Lahat naman ay naging busy din para sa exams.
"Oh my gosh! Jesse, nabalitaan mo na ba 'to?!" Gulat na tanong sa akin ni Bry habang nakatingin sya sa phone nya.
Lumapit ako at tinignan yon. It's Aimee.
The bitch in the campus.
Post sya ng isa sa mga alipores nya at may kasama pang video. May caption pa na "#truthaboutJesseandJoshua"-- Teka ako ba at si Joshua yung sinasabi nya? What is this?
Halos hablutin ko sa kamay nya ang phone at wala sa sariling pinindot ang play.
Nakaupo lang si Aimee sa arm chair with this sad face that made me cringe. It's so fake.
"We all know that Joshua, our schoolmate, the nicest guy that transferred just almost months ago, left." Habang sinasabi nya yon ay biglang napalitan ang peke nyang lungkot ng galit.
"And it's all because of Jesse Reigne Mendez. She broke his heart and that's why he left. Joshua is a kind guy, and yet, Jesse turned him down. What a stupid bitch! She's too ugly to have standards that high! She doesn't have a heart!" And that ends the video.
Sa sobrang inis ko ay magkaduktong na ang mga kilay ko.
What the hell?! What a liar! I never broke his heart! He broke MY heart!
"Are you okay, Jesse?" Nag-aalalang tanong ni Bry.
"Anliit talaga ng utak non eh! Negative ang IQ!" Inis na sabi ni Bry.
"Ano nang gagawin mo ngayon?" Tanong ni Bry.
"Kung kailangan mo ng back-up tawagan mo lang ako at hindi ako magdadalawang-isip." Sabi nya pa.
Lahat ng galit ko ay inipon ko atsaka ako bumuntong hininga.
"Salamat pero hindi na dapat natin sya gantihan." Sa sinabi kong yon ay biglang nanlaki ang mga mata nya.
"What?" Gulat nyang tanong.
"We don't have to stoop down to her level just to get revenge. Oh c'mmon, matatanda na tayo at hindi na natin kailangang makipaglaro pa sa kanya." Idiniin ko talaga ang huling apat na salita.
"To be honest, may point ka dyan." Tuma-tango tango nyang sabi.
"Okay sure. When you need me." Sabi nya tsaka sya umalis.
Humiga na lang ako sa kama ko. Nagpunta lang naman si Bry dito para magbigay ng food na galing sa Japan na dala ng mommy nya.
Hapon na at mag-gagabi na din. Thursday pa lang ngayon kaya kailangan kong matulog nang maaga.
"Pangeeeeet!!! Tulooong!" Narinig ko agad ang boses ni Ken sa kwarto nya.
Patakbo akong lumabas at lumipat sa kabila.
"Bakit?" Nag-aalala kong tanong.
"Kailangan ko ng tulong mo." Sabi nya.
Akala ko naman kung ano na. Ang hilig talagang magpakaba nito eh.
BINABASA MO ANG
The Three of Us (on-going)
Teen FictionBata palang magkakakilala na kami. Naging magkakaibigan hanggang sa naging magbe-bestfriends. Pero paano nga ba ang friendship kapag gumitna na saamin ang love? Mananatili parin ba yung dating pagkakaibigan namin?