Pinagmasdan ko si Max habang masigla syang kumakain.He's the custest thing.
It's 5:00 in the morning kaya may time pa ako para kay Max.
Pagkatapos nyang kumain ay kinuha ko sya at binuhat. Lumabas muna kami at naglakad-lakad. Buti nalang busog 'to kaya hindi umaangal. Napangiti ako nang makitang halos lumobo na yung tyan nya.
What a cutie!
Pumunta kami sa sa may park na malapit sa amin.
Umupo ako sa swing habang nasa lap ko si Max.
"Arff!" Aww. He seems to like it here.
Pinagmasdan ko ang unti-unting pagsikat ng araw. Napakaganda ng araw ko ngayon, maybe dahil may baby na ako!
Nag-stay pa muna kami doon habang hinihintay ang tuluyang pagsikat ng araw. Hinihimas ko naman si Max at gustong gusto nya naman. Tss.
"Max, balik na tayo? 6:00 AM na eh."
"Arfff!!" Kahol nya. I think he agrees with that.
Tumayo na ako at binuhat ko sya muli habang pauwi kami ng bahay.
Mula sa malayo, may nakita akong sasakyan na pumarada sa tapat ng bahay namin. Sino naman kaya yon?
Pagbukas ng pinto ng sasakyan ay nakita ko syang lumabas. Si Joshua!
Lumapit ako sa may gate namin at saktong napalingon sya sa akin. Nagulat pa sya ng bahagya nang makita nya si Max.
"Aso mo?" Tanong ni Joshua.
"Hindi, anak ko." Sarkastiko kong sabi.
"Talaga? Sino tatay?" Mukhang nakuha nya pa talagang sumakay sa trip ko ah?
"Yung kapitbahay."
"Ahh.. oh." Abot nya sa isang plastic bag.
"Ano 'to?"
"Pagkain." Sabi nya. Bubuksan ko na sana ang bag nang biglang syang magsalita.
"Ops! Hindi sayo yan."
Nagtaka ako.
"Eh kanino?"
"Kila tita tsaka dyan sa.. Ano.. Sa anak mo." Nag-aalangan pa syang sabihing anak ko 'to.
"Eh pano naman ako?"
"Tsaka ka na! Unahin mo naman anak mo." Nag-iiling na sabi nya.
"Tsk tsk tsk." Sabi nya pa.
Lumapit ako at tsaka ko sya binatukan.
"Aray!" Reklamo nya.
"Ang damot mo naman eh!"
"Ang takaw mo naman eh!" Tawa nya. Namula na naman ako. Shocks! Ganon na ba kahalata?
"Tara na nga!" Sabi ko sabay akay sa kanya papasok ng bahay.
"Nako hindi na, maghihintay na lang ako dito."
Nagtaka ako sa sinabi nya. Maghihintay? Para saan?
"Ha?"
"Sama na kita papasok sa school. Alangan namang pupunta ako dito papasok ako ng school tapos ikaw papasok mag-isa. Edi isabay na kita."
"Bakit ka ba nagpunta dito?"
"Masama ba?"
Hindi ako umimik. Alam nyang seryoso ako.
BINABASA MO ANG
The Three of Us (on-going)
Teen FictionBata palang magkakakilala na kami. Naging magkakaibigan hanggang sa naging magbe-bestfriends. Pero paano nga ba ang friendship kapag gumitna na saamin ang love? Mananatili parin ba yung dating pagkakaibigan namin?