"Jesse!!" Tawag sa akin ni Bry, ang bestfriend ko. Tumakbo sya papalapit sa akin habang nakangiti ng masigla sa akin. "Dali! Samahan mo ako dun!!" Sabay turo sa harap ng stage ng school namin. Hinila nya ako ng malakas papunta doon. Kahit kailan talaga, napakalakas nitong si Bry kaya agad nya akong nahila.Di naman sya siguro ganon ka-excited 'no? Napasulyap ako sa stage at sa unang tingin ko palang ay alam ko na kung bakit ganon nalang ang ngiti ni Bry. "Ang gwapo talaga ni Carlo!!" Gigil na gigil na sabi ni Bry. Mabuti nga at loyal sya sa crush nya. Mahigit isang taon nya na kasing crush si Carlo. Aaminin ko, gwapo naman talaga si Carlo, kasama sya sa band ng school na 'red neighbors' na syang pinaka patok na banda dito sa school. Hindi narin bago na kapag tumutugtog sila ay mabibingi ka nalang sa mga tilian ng mga babaeng studyante.
May special number kasi ang 'red neighbors' kaya heto kami at nakatutok sa stage.
Pagkatapos ay nag-aya si Bry na kumain muna dahil inabot na din kami ng lunch. "Anong bibilhin mo Jesse?" Bungad nya sa akin nang makaupo kami sa bakanting table. "Sinigang nalang siguro sa akin." Tumayo sya para bumili ng lunch namin. Maaasahan talag si Bry pagdating sa mga ganitong bagay.
Matagal na din pala simula nung magkakilala kami ni Bry. First year palang ay magkaibigan na kami. Ngayon grade ten na kami at malapit narin kami magtapos. Pagdating nya ay nagsimula na kaming kumain. Maya-maya lang ay nakita kong napangiwi si Bry. "Oh, anyare sayo?" Tanong ko nang hindi parin matigil ang pagngiwi nya. "Ang- as--im!" Dahil don ay napatawa ako ng malakas. Oo nga pala, ayaw nga pala ni Bry sa sinigang. Magkaiba nga talaga kami. Mahilig ako sa maasim habang sya naman ay, alam mo na.
Kamuntik pa akong mabulunan dahil sa kakatawa. "Bakit ba kasi yan ang binili mo?" Hahahaha. "Sabi ko gusto ko sanang mag 'try something new' pero ngayon, I don't think that's a good idea." Mas lalo pang lumakas ang tawa ko. "Hahahahaha!! Try something new! Ayos ah!" Dahil don, tawa kami ng tawa at mukha na kaming mga shunga.
"Tara na." Sabay tayo dahil pupunta pa kami sa susunod naming class. Pagdating namin ay umupo agad kami sa pinakalikod. Dito kami palaging pumupwesto dahil palaging natatawag ang mga nasa harap, ayon kay Bry. Haha. Nagsimula na ang klase namin. Yeheeyy!! AP na. De joke lang.. "Aubrey Nicole Gonzaga?" Sabi ni sir. "Present." Sabi naman ni Bry. "Jesse Reigne Mendez?" Sabi nanaman ni sir. "Present, sir."
After a long, long, long, long discussion...
Sa wakas, natapos na din ang AP na last subject namin. "Jesse, ayaw ko pa umuwi, tambay muna tayo?" Pagmamaktol ni Bry saakin. Pasalamat sya at bespren ko sya. "Sige na nga. Tutal gusto ko rin ang ideya mong yan." Sumakay kami ng dyip papuntang park. Kung saan palagi kaming tumatambay nila---. "Bes! Namiss ko dito." Sigaw ni Bry.
"Tara laro tayo dun!" Sigaw ni Jacob. Napansin namin kaagad ang park na malapit lang sa bahay nila Joshua. Dali-dali kaming tumakbo papunta doon.
"Jesse!" Bigla akong natauhan sa sigaw nya. "Ano na naman ba yan? Nalulutang ka na. May sakit ka ba?" Dali-dali naman akong umiling sa kanya. "Wala 'to, may naalala lang ako." Napatango na lang sya habang pinagmamasdan ang mga punong nakapalibot sa park. Malago at kulay green padin ang mga halaman dito. Walang pinagbago. Kagaya parin ng dati.
Napagpasyahan namin ni Bry na dito na gumawa ng assignments namin. Pagtapos ay napagdesisyonan na namin ni Bry na umuwi na dahil hapon narin.
Tumayo na kami at nagsimula nang maglakad. Napasulyap ulit ako sa likod ko kung saan nandun ang park. Haharap na sana ako ulit ng may tumama sa akin. Boogsh!
"Aray!" Napangiwi ako sa sakit dahil napa-upo ako. "Ay sorry miss!" Agad namang may naglahad ng kamay sa harap ko. Aabutin ko na sana yon ng makita ko kung sino yon.
"Jesse.."
_____________________________
Sorry guys dahil wala pong prologue ang story ko kaya thank you guys sa pagtiyatyaga sa story ko na medyo taliwas at di masyadong kilala, char. Basta, thank youuu!!!
BINABASA MO ANG
The Three of Us (on-going)
Genç KurguBata palang magkakakilala na kami. Naging magkakaibigan hanggang sa naging magbe-bestfriends. Pero paano nga ba ang friendship kapag gumitna na saamin ang love? Mananatili parin ba yung dating pagkakaibigan namin?