Chapter 23: ABROAD?

7 1 2
                                    


Ilang araw na simula nang halos hindi na namin makausap ni mama si Ken dahil palagi itong nakatutok sa phone nya.

Madalas nga na nahuhuli namin si Ken na napapangiti kaya nagkakatinginan nalang kami ni mama.

"Hoy!" Sigaw ko.

"Ay palaka!" Sa gulat nya ay nahulog nya ang phone nya.

Agad naman akong yumuko para kuhanin yon.

"Hoy akin na yan!" Inaagaw nya sa akin pero nilalayo ko naman. Hindi nya parin makuha.

Nagmamadali akong tumingin sa screen ng phone nya at---

Napahagalpak na lang ako ng tawa habang pumapalo sa hita ko.

"Ayenna ka pala ah!" Tawa ko pa.

Namumula na naman sya. Hindi dahil sa hiya pero dahil sa galit.

"Akin na nga yan!" Sabi nya at halatang halata ang inis sa boses nya.

Sus! Kala mo naman!

Lalo akong natawa dahil sa biglang pagbabago ng hitsura nya nang makita nya ang screen ng phone.

Seryoso mukha syang unggoy na nakangiti sa segundong ito.

Nag-lean ako sa kanya dahil magkaharap lang naman kami sa table. Sinusubukan kong hindi pinakikita na tinitignan kung ano yung binabasa nya.

"See you tomorrow😘." Basa ko sa huling message ni Ayenna sa kanya.

"Ano yan ha! May hindi ka sinasabi eh!" Sa instinct ko ay kinuha ko mula sa table ang tinidor.

Agad nya namang itinago ang phone nya.

"B-bakit ka naman may hawak na k-kutsara?" Nagtatakang nagugulat na sabi nya.

Napatingin nga ako sa hawak ko.

Shemay, kutsara nga.

"Ah basta! Wag mong ibahin ang usapan!"

"Hindi ba dapat ako nagsasabi nyan?" Tawa nya.

Dahil don, ako naman ang nainis sa kanya. Baliktad na ngayon ang sitwasyon.

"Hay! Bahala ka nga dyan!" Tumayo na ako at umakyat sa kwarto ko.

Imbes na sya dapat ang hulihin ko eh ako yung naasar! Hays!

Hindi ko sinara ang pinto kaya may nakapasok. Humiga na lang ako at pumikit dahil baka si mama lang yon.

Nagulat ako ng biglang may umakyat sa kama ko at dinilaan ang mukha ko.

"Ah!" Gulat kong sabi.

"Ruff!" Kahol ni Max. Mukha talaga syang nakangiti I swear.

Kinuha ko na lang sya at ipinatong sa lap ko.

"Ikaw lang pala yan." Sabi ko habang bine-belly rub sya na syang naman ikinatutuwa nya.

Maya-maya ay nakatulog si Max kaya hinayaan ko na lang muna sya. Kinuha ko na lang ang phone ko.

May nag-text.

[From: Jacob

May oras ka ba? I want to see you.]

The Three of Us (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon