Chapter 16: CONCERT

13 1 1
                                    


Kasalukuyan akong nakasakay sa taxi. Syempre todo ayos ako kanina eh, baka masira lang kapag nag-dyip ako.

7:00 PM na at kinakabahan na ako kase medyo malayo-layo pa kami sa AC Coliseum. Kaya tinext ko na lang si Bry.

[to: Bryyy

Bes baka ma-late ako. Susunod na lang ako sabihin nyo nalang kung san ko kayo imi-meet.]

Maya-maya pa ay dumating na din kami sa tapat ng AC Coloseum.

Sakto namang pagkababa ko ay tumunog ang phone ko.

Shocks! 7:40 na!

Binuksan ko naman agad ang messages ko.

[from: Bryyy

Dito na lang sa may labas bes. Hihintayin kita dito. Habang di pa nagsa-start yung concert. Ingat!]

Sakto nakita ko si Bry sa may tapat.

Patingin-tingin sya sa phone nya at mukhang nag-aalala.

Yan ang gusto ko kay Bry, ready syang magsacrifice para lang sa mga taong malapit sa kanya.

And it's funny how we became friends, oh, BESTfriends.

She was a bitch, back then. At ako naman ang target nya at ng mga alipores nya.

They bullied me, almost everyday.

Until one day, she got busted by her crush. Sa isang iglap, nawala lahat ng alipores nya. Ni-isa walang tumulong sa kanya.

Nobody would even dare talk to her, cause she was dangerous as hell, lalo na ngayong broken-hearted pa sya.

Pero hindi ako natinag. Ako ang lumapit sa kanya. She had no choice but to pour everything out to me. Dun nagsimulang magbago lahat.

Until we became friends, and now, BESTfriends.

Lahat ng mga alipores nya, itinaboy nya and that was right. They were never friends, well at least, fake friends.

She moved on, she changed, well, a better change.

And that is how I got her.

"Anong nginingiti-ngiti mo dyan?" Tanong nya nang mapansin ako na papalapit na sa kanya.

"I just remembered how we became friends." Ngiti ko pa.

"So? Naalala mo lang yun nag-english ka na." Irap nya.

Natawa na lang ako

"But that's sweet." Sabi nya.

Tignan mo, pati sya nag-english.

"Tara na baka mag-start na yon!" Alala nya. Saka nya ako hinatak.

Nahahatak nya talaga ako kahit saan eh 'no?

______________________________

"Oh ano?! Hinahanap mo si bebelabs mo?!" Tanong ni Bry.

Hindi kami masyadong magkaintindihan sa ingay kaya nagsisigawan nalang kami.

"Pagbigyan mo na ko! Porket aakyat ka sa stage eh!"

Tumawa sya.

_______________________________

Sa nakalipas na isang oras, napuno ang gabi ng kantahan at hiyawan. Maingay ang kapaligiran and to be honest, na-enjoy ko naman.

The Three of Us (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon