"Ano?!" Sigaw nya. Halatang gulat na gulat sya."HAHAHAHAHAHA!!!" Nagulat ako sa bigla nyang pagtawa.
"Anong nakakatawa?" Nahihiya kong sabi.
"Alam ko na kung bakit mo naiwan." Nagpipigli ng tawa nyang sabi.
Binigyan ko sya ng oo-alam-ko-din look.
Nako sa susunod talaga hindi na ako magde-day dream habang nasa sasakyan nya!
"Halika na!" Hinila ko sya.
"Wait, keys." Oo nga pala. Kinuha nya yon sa bag at naglakad takbo papunta sa parking.
Dali-dali nyang binuksan ang sasakyan habang ako naman eh pumasok.
Kalahati ng katawan ko ay nakapasok habang ang tuhod ko ay nakasampa sa upuan ng sasakyan.
Naalala kong binato ko yon sa likuran ng sasakyan kaya pumasok na lang din ako.
Nagpatuloy ako sa paghahanap.
Shet asan na yon? Don't tell me naiwan ko yon sa bahay ah?
After 10 years (5 minutes lang talaga), nahanap ko na din sya.
Lumabas na ako ng sasakyan hawak-hawak ang bag ko.
"You found it?" Tanong ni Joshua.
Itinaas ko nalang ang kamay ko na may hawak sa bag.
Ngumiti sya atsaka sinara ang pinto ng sasakyan at ini-lock ito.
"Ikaw ah? Baka sinadya mo yan!" Bulong ni Bry sa akin.
"Ang harot mo talaga! Hindi!" Tumawa nalang sya ng mahina habang ako naman ay lumingon sa harap para tignan kung narinig nya ang sinabi ni Bry.
Hindi naman sya nagreact at dere-derecho lang sa paglalakad.
Pheeww!! Si Bry talaga eh!
Patuloy lang kami sa paglakad-takbo ni Bry dahil baka maabutan na kami ng bell.
"Riiiiinnnggg!!" Sabi ko na nga ba eh! Late na naman kami!!!
Ang lakad-takbo na ginawa namin kanina ay naging takbo nalang.
Nako hindi ko na kakayanin pag nadapa pa 'tong si Joshua!
"Bilisan nyo pa!" Reklamo nya habang naglalakad-takbo. Kasabay lang namin sya kasi mahaba ang legs nya at matangkad sya.
Paakyat na kami ng building ng may marinig ako.
Parang nahulog na barya. Napalingon ako sa likod dahil nauna kami ni Bry kay Joshua. Nakita ko syang pumulot sa sahig.
Akala ko nadapa na naman eh!
Inabot nya yon sa akin at tinignan ko kung ano yon.
Yung ten pesos.
"Saan mo nakita?"
"I cleaned the car yesterday." Ahh.. Okay.
BINABASA MO ANG
The Three of Us (on-going)
Teen FictionBata palang magkakakilala na kami. Naging magkakaibigan hanggang sa naging magbe-bestfriends. Pero paano nga ba ang friendship kapag gumitna na saamin ang love? Mananatili parin ba yung dating pagkakaibigan namin?