Chapter 21: IS THIS GOODBYE?

5 1 0
                                    


"Thank you ulit ah." Sabi ko tsaka ako lumapit at yumakap.

"Hindi ko talaga alam kung anong gagawin ko kung wala ka."

Hindi pa din ako kumakalas sa yakap.

"I'll be here. Palagi, kapag kailangan mo ko."

Naginhawaan ako sa sinabi nya. Kahit papaano ay gumaan ang loob ko.

Tsaka ako kumalas.

"Oo naman! Nangako tayo diba? Best friends forever?" Tanong ko at inilahad ang kamay ko.

"Best friends forever." Sagot nya. Akala ko makikipag-kamay sya pero niyakap nya ako.

"Goodnight bespren!" Sigaw ko nang medyo makalayo sya. Lumingon naman sya at kumaway.

Pumasok ako sa bahay at lumapit na para kumain ng dinner.

"Oh, wala ka bang ikukuwento sakin, Jesse?" Tanong ni mama. Malaki ang ngiti ko kaya ganon din sya.

"Ahm, nag-star city lang po kami." Hindi ko mapigilang mapangiti.

Kahit sandali, nakalimutan ko din na malungkot ako.

"Oh, kumain ka na dyan." Sabi ni mama.

Kumuha ako ng plato at kumain na.

______________________________

"Nag-enjoy ka naman ba?" Tanong pa ni mama. Anong meron kay mama at parang ang ngiti nya unti-unting kumukupas.

Anong kayang nakain ni mama at parang si Bry kung magtanong.

"Ma, masaya po ako. Lalo na nakasama ko ang best friend ko."

Sabi ko na syang ikinangiti nya. Sa hitsura nya parang nanghihinayang sya na ewan.

"Ma? Okay lang po ba kayo?" Tanong ko. Malungkot syang ngumiti at tumango.

"Stress lang siguro 'to dahil sa pagra-rounds ko sa mga shop natin."

"Ma, magpahinga na po kayo."

Ngumiti lang si mama sa akin.

Pero hindi yon katulad ng palagi nyang pag-ngiti.

Alam kong peke yon.

______________________________

Paulit-ulit kong kinulit si mama tungkol sa kalagayan nya pero isa lang ang sinasabi nya.

Magpahinga raw ako kaya maya-maya ay nakatulog ako sa sofa namin.

_____________________________

Nakaramdam ako ng pagtapik sa braso ko.

"Anak, Jesse." Narinig kong tawag ni mama.

Napabangon agad ako at tumingin sa labas. Gabi pa rin.

Humarap ako kay mama.

"Bakit po, ma?" Sabi ko habang umuunat.

"I'm sorry." Sabi ni mama. Napaka-lungkot nang mukha nya at parang iiyak na sya.

"Bakit po, ma? Okay lang po ba kayo? May nangyari po ba?" Nagaalala kong tanong.

The Three of Us (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon