Chapter 20: CHEESE

4 1 2
                                    


"Sabi ko nga kailangan kita eh." Tsaka ako yumakap sa kanya.

Nang yakapin nya ako pabalik ay umagos na ang mga luhang nagbabadyang tumulo kanina.

"Masakit padin eh." Umiiyak na sabi ko.

Buti na lang talaga at nandito si Jay.

"Hindi ko na kaya. Tulungan mo naman ako oh." Tawa ko. Well it ended up sounding sarcastic.

"Hindi ka binusted ng crush mo. Itinaboy ka ng mahal mo." He's right.

Hindi talaga ako marunong magtago mula sa kanya.

"Mahal na mahal ko eh. Mahirap pa lang ma-friend-zone." Patuloy na umagos ang mga luha ko.

Napakasakit. Masakit na pagtabuyan ka ng taong mahal na mahal mo.

Hinahagod nya ang likod ko.

"Pumasok muna tayo." Sabi nya.

Kumalas ako sa yakap at tumango.

Hinatak ko sya papasok ng bahay at pinaupo sa sala.

"Bago mo sya iyakan, ipakilala mo naman." Sabi nya.

Dapat ko bang sabihin sa kanya? Baka mag-away lang sila.

Pero alam kong kami naman ang mag-away kapag hindi ko sinabi. Mabuti na sigurong sabihin ko at sabihing wag nalang guluhin si Joshua.

"Hindi ko na kailangang ipakilala pa." Naiiyak na sabi ko.

Nagulat sya at biglang napalingon.

"Don't tell me?..."

Tumango na lang ako. At napatakip ng mukha. Lalo akong umiyak ng umiyak.

Naramdaman kong may tumabi sa akin.

Niyakap nya ako.

"Naturingan ko pa syang kaibigan." Rinig kong galit na bulong ni Jay.

"H-hindi nya alam. Nabigla sya. Please Jay, ayoko na nang gulo. Please. Wag kung kailan masakit pa." Pagmamakaawa ko.

Ayoko ng gulo o ng away. Tama na yung nasaktan ako nang ganito.

"Para sa'yo, hahayaan ko muna sya."

______________________________

Nasa labas kami ngayon dahil sabi nya hindi raw naman pwede na magmukmok na lang ako sa bahay. Kaya nagpalit ako ng damit tsaka kami lumabas.

Ti-next ko na rin si mama na umuwi ako at umalis kasama si Jay.

Nanghingi pa nga si mommy ng picture kung totoong si Jay ang kasama ko.

Mukha naman akong galing tambakan ng basura kaya I intentionaly blurred the photo.

Even though nakangiti kami don.

"Tara." Sabi nya tsaka ako hinatak papunta sa night market na malapit dito samin.

Hindi naman kami mayaman kaya hanggang dito lang kami. Hehe.

The Three of Us (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon