"Aayy!!" Sigaw ng isang pamilyar na boses. Whaaa?? Si JP!!Dali-dali akong tumakbo at sumunod naman sila Bry at Joshua.
Kinakabahan ako sa kung anong nangyari. Malay mo na-hold-up! Sobrang bilis ng tibok ng puso ko pero patuloy parin ako sa pagtakbo papunta sa pinanggalingan ng boses.Nag-aalala na ako ng sobra! Nako Lord, wag mo muna syang kunin!
Pagkarating ko don ay nakita ko si JP na nakayuko. At parang hirap na hirap. Halaa!!! Nooo!!! Ano 'to?!
Dumating naman si Joshua at Bry.
"Aahh!" Sigaw nilang sabay. Hinahatak sya ng gubaatt?! Tumakbo ako papalapit para higitin sya. Paghatak ko sa kamay nya at na-out of balance kami pareho at nahulog sa kalsada. Mabuti na lang at walang ibang sasakyan na dumadaan.
I sighed relief when we were finally safe. Napapikit nalang ako habang hinahabol ang hininga ko.
Ano bang meron sa gubat na yan! Baka may kidnapper dyan! Ooppss. Sorry sorry, bekinapper pala.
Sa sobrang galit ko, tumayo ako mula sa pagkakaupo sa kalsada at matapang na sinalubong ang gubat sa tapat ko. Isang daan lang kasi ang naghihiwalay ng store (parang seven eleven) sa malawag na gubat sa gilid.
Dahan-dahan akong humakbang papalapit at hinawi ang mga halamang nakakasagabal sa paningin ko. Pag-hawi ko ay may na ako, isang-- huh?
Bote ng mineral water! Puno pa iyon at moist dahilan para isipin kong bagong labas lang sa ref yon.
Di kaya?
"Ano ba? Aabutin ko sana yung tubig sayang naman eh!" Malanding sigaw ni JP nang makarecover mula sa mabilis na pangyayari.
Napa-face palm nalang ako at mariing napapikit. Akala ko naman kung anong nangyari! Yun lang pala!
Humarap ako kay JP at binigyan sya ng ang-galing-mong-sumigaw-to-da-point-na-parang-sinaksak-ka-na look. Nag-peace sign naman sya sa akin. Ang dalawa naman ay parang nadismaya sa nangyari.
"Tara na nga!" Natatawang sabi ko sa kanila dahilan para mapatingala sila lahat sa akin.
"Ano bang hinihintay nyo dyan? Birthday ko? Psh! Walang blow-out don!" Natawa naman silang lahat. It seems to be lighting up the mood.
"Halika na!" Nakangiting sabi ko. Parang walang nangyari ganon.
Naglakad na ako at sumunod naman sila pabalik ng kotse ni Joshua."Kase! Bakit ka ba sumigaw ng ganon! Pinag-alala mo kaming laaahhaaatt!" Exaggerated na sabi ni Bry. Si JP naman ay napa-kamot ulo nalang. Habang si Joshua, napapatawa na lang sa naririnig na pansesermon ni nanay Bry.
Lumapit sa akin si Joshua dahilan para maiwang magkasama sa likod ang dalawa.
"Oh bakit?"
"May joke ako." Lumabas nanaman ang nakakainis nyang ngiti. Parang nang-aasar.
"Hit me." Hamon ko.
"Bubble gum ka ba?" Nakakaloko yun ah?
"Bakit." Nag-cross arms ako.
"Ang lagkit mo eh." Sabay haplos sa braso ko. Malagkit nga yun. Dahil napawisan.
Nice joke!
BINABASA MO ANG
The Three of Us (on-going)
Novela JuvenilBata palang magkakakilala na kami. Naging magkakaibigan hanggang sa naging magbe-bestfriends. Pero paano nga ba ang friendship kapag gumitna na saamin ang love? Mananatili parin ba yung dating pagkakaibigan namin?