Katharine Deliacorte, yan ang pinakamagandang pangalan ko pero hindi pa diyan nagtatapos ang pangalan ko, ang totoo ay may tatlong pangalan ako [Katharine Celestine Rosey Deliacorte] ang haba diba kaya nagpapatawag na lang ako sa ngalang Katharine Deliacorte, ako ay nasa Grade 10 na at ngayon ang aming unang araw sa paaralan.
Kasalukuyang nagbibihis naako ngayon at dinadali dali ko ang kilos ko para maabutan ang bus.
"Celestine! Dalian mo na diyan! Malalate ka na!" Tawag ni mama galing sa baba.
"Opo!" Sagot ko at inayos ang bow ng damit ko.
Tiningnan ko muna ang istura ko sa salamin, inayos ko ang itim na blazer ko at inayos ang palda. Ginawang bun ko agad ang buhok ko at tinusukan ng paborito kong chop stick na kulay pink at may design na panda. Nang masatisfied ako sa ayos ko ay dali dali kong kinuha ang bag ko at lumabas ng kuwarto at bumaba.
"Dali nak! Nandiyan na ang bus o!" Nagpapanic na sabi ni mama.
Sinuyod niya muna ang kabuuan ko.
"Ma, mukhang mas nagpapanic ka pa saakin eh." Natatawang sabi ko.
Napaaray ako ng binatukan ako ni mama. Napahimas ako sa batok ko at nagpout.
"Mama naman eh, ang sakit kaya." Reklamo ko.
Namewang siya at tinaasan ako ng kilay.
"Ang dami mo pa kasing sinasabi eh, sige na, humayo ka na, maiingat ka ha," bilin ni mama.
Kahit na binabatukan ako ni mama mahal ko parin siya.
Ngumiti ako at hinagkan siya sa pisngi.
"Opo mama, kayo din po." Paalam ko at lumabas ng bahay.
Sinirado ko ang gate at dali daling pumasok sa bus.
"Ang tagal mo naman ija." Ani ni Mang kanor ang driver ng bus.
"Sorry po mang kanor." Paguumanhin ko.
Tumango lang siya kaya naghanap naako ng mauupuan, at ayun bulls eye! Nahanap ko din siya. Dali dali akong umupo sa tabi niya at umayos ng upo.
"Morning Tyson!" Maligayang bati ko at may nakaplaster na ngiti sa labi ko.
Wala siyang reaksiyon at inilihis na lang ang tingin saakin. Tinanggal ko ang isang earphone sa tenga niya at bumulong.
"Good morning Tyson..." bulong ko.
Agad siyang dumistansiya saakin at sinamaan ako ng tingin. Nagtaka ako kaya nilapitan ko siya.
"Bakit ka lumayo?" Takang tanong ko.
Inangat ko ang kamay ko at akmang hahawakan ang noo niya pero pinigilan niya ako.
"Wag." Walang emosyong sabi niya at inilayo ang kamay ko.
Umupo siya ulit sa upuan niya at sinalpak ulit ang earphones sa tenga niya. Umayos na lang ako sa pagupo at nilagay ang bag ko sa lap ko. Ang OA naman nito, ganito kami palagi ni Tyson hindi naman kami close pero nagpapaFC ako para mapansin niya lang, napansin ko lang sa kaniya araw araw na parating may dalaw siya pag ako yung nakikita niya, katulad ng kanina ichecheck ko lang sana kung may lagnat siya kasi bigla lang pumula ang tenga niya, hay nako. Makalipas ang ilang minuto, nakarating na kami sa paaralan at pinauna ko ng bumaba ang iba, ayaw ko kasing makisuksok eh. Baba na sana ako ng mapansin kong hindi sumunod si Tyson, umupo ako ulit at ayun natagpuan ko siyang tulog. Gigisingin ko sana siya pero natigilan ako, pinagmasdan ko ang mukha niya.
Ang gwapo gwapo niya lalo na pagtulog siya, hindi lang siya matalino pero ang gwapo niya din, magaling din siyang kumanta at athlete din siya kaya maraming humahanga at nagkakandarapa sa kaniya at isa naako dun.
BINABASA MO ANG
Mr. Sungit meets Ms. Mabait (Completed)
Teen FictionKatharine Deliacorte siya ay isang unpopular na babae na nagkagusto sa isang popular na lalaki na tapat bahay niya lang. Nung makilala niya ito nung bata palang sila ay nahulog na siya dito dahil sa angking talino nito at maladiyos na pagmumukha. Ty...