Pahiya no. 28

1.2K 29 6
                                    

Ilang gabi at araw nagdaan ay mas lalo akong natatakot at kinakabahan. Walang Tyson ang nagpakita o nagparamdam. Lagi kong tinatanong si Natasha at ganun din ang sagot niya, ewan. Hindi naako sinusundo ni Tyson at hindi na din siya pumupunta ng bahay. Hindi ko din nakikita si Tyson sa school o kahit sa klase.

Ano ba kasi ang nangyayari? Nung una masaya naman tapos ngayon...anong nangyari?

Si Prince naman ay Lagi na nagpaparamdam saakin di katulad nung una.

"Kath, kain ka na. Malapit na yung klase natin." I spaced too much that I forgot that I'm with Natasha.

"Wala akong gana." I pushed the food away from me.

"But you have to. Don't think too much about Tyson okay? Maybe there's a reason why he's gone for weeks now. Please Kath, kahit konti lang." I sighed and grab the food.

Nanginginig ang labi ko at lumuluha na ang mata ko.

"I have to go." I stand and grab my bag. Tumakbo ako paalis ng canteen. Maloloka ako pag hindi ako kumilos para hanapin siya.

Nag-taxi ako papuntang subdivision kung saan nakatira si Tyson. Kumatok ako and patiently waited. Bumukas ang pinto at bumungad agad ang nanay ni Tyson.

"Oh, Kath!" Ngumiti ako.

"Hello po anti, nandiyan po ba si Tyson?" Tanong ko.

"Kanina oo pero umalis din agad eh, hindi ko nga din alam kung saan. Try mo kila Kate baka andun." Sagot niya.

Nagtaka ako saglit. Tumango ako at nagpaalam. Tumawid ako ng kalsada at pumunta kila Kate. Kumatok ako. Kinabahan ako ng sobra at parang tambol 'tong puso ko. Napalunok ako ng  bumukas Ito at bumungad saakin ang pagmumukha ng mahal ko. Kita sa mukha nito ang  na agad ding napalitan ng gulat.

"Papa!!" May lumapit na Bata sa kaniya at hinawakan ang dulo ng damit niya. "Laro na tayo," ani nito.

Natulala ako at sumikip ang dibdib ko. Paano---

"Anak, wait naman kay mama---" nagulat si Kate ng makita ako.

Tumalikod ako at tumakbo palayo. Nagsihulugan ang mga luha ko at napahikbi ako. Tinawag ni Tyson ang pangalan ko kaya huminto ako at marahas na hinarap siya. Sinulubong ko siya ng napakalakas na sampal.

"Paano mo nagawa saakin 'to!!??" Sigaw ko.

Hindi siya nakabawi sa sampal ko. Pinagbabayo ko ang dibdib niya.

"Bakit!? Pinaglaruan mo lang ba ako?? Sinualing ka!!!!!" Napaupo ako sa sahig.

Umiyak ako ng umiyak. Sobrang sikip ng puso ko. Lumuhod siya at nagtangkang hawakan ang kamay ko pero tinulak ko siya. Umiiyak na din siya pero Mas nangibabaw ang damdamin ko.

Parang tinaga ng ilang beses ang puso ko. Nasaktan ako ng sobra. Naguguluhan ako sa mga pangyayari.

"Bakit mo pa sinabi saakin na gusto mo ako kung may anak ka na pala? Laruan ba ang damdamin ko para paglaruan mo?? Bakit Tyson?" Mas napahagulgol ako.

Nagtangka siyang lumapit kaya tumayo ako at lumayo sa kaniya.

"Sabihin mo saakin, bakit?" Akala ko mag-e-explain siya pero nanatili siyang tahimik.

Napailing ako at tinalikuran siya. Umalis ako na luhaan at sobrang durog. Napansin ko na lang nasa isang bar ako. Umupo ako at nag-order. Uminom ako ng beer. Umasim ang mukha ko dahil sa pait pero ininda ko dahil sa nararamdaman ko ngayon. Parang katulad lang sa nararamdaman ko, sobrang pair na at wasak.

Akala ko ba gusto niya ako pero bakit ganun? Pinaasa niya lang ba ako? Pinaglaruan? Paulit-ulit na lang ba akong masasaktan? Paulit-ulit na lang ba ako magiging tanga? Nakakapagod na, tama na, masakit na.

Mr. Sungit meets Ms. Mabait (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon