Pahiya no. 19

1.4K 38 10
                                    

Maaga akong nagising at naghanda para sa klase. Napagdesisyunan kong sumakay na ng bus today kasi wala namang dapat ika-iwas. Nagpaalam naako kay mama at pasakay na sana ako ng mapansin ko si Tyson sa tabi ko na paakyat na din pala. Nagkatinginan kami pero agad akong nag-iwas ng tingin.

Naupo ako sa right side. Nagtaka ako ng umupo din si Tyson kung nasaan ako nakaupo. Bumilis ang tibok ng puso ko. Nang nagkadikit ang mga balikat namin ay napaurong ako konti sa side dahil nakaramdam ako ng kakaibang electricity na ikinatindig ng balahibo ko.

Tumikhim ako at ibinaling na lang sa bintana ang tingin. Nakakapagtaka dahil sa lahat ng bakanteng upuan ay dito siya naupo. Nakakainis din 'tong puso ko dahil napakatraydor, nakakainis eh! Buti nga at tahimik lang ang lalaking 'to, hindi ko na talaga alam kung nagsalita pa siya baka bumaba agad ako dito bahala na kung magtataxi lang ako. Ang pinagtataka ko lang ay kung bakit hindi ko nakitang umakyat kanina si Kate. Baka umupo dito si Tyson sa tabi ko dahil wala si Kate. Kumirot bahagya ang puso ko. Grabe naman kasi akong magconclude, agad agad kaya ayan nasasaktan.

I stiffened when I felt Tyson's head in my shoulder. Napatingin ako at dinungaw ang mukha niya. Mahina siyang humilik at halatang tulog. Bakit naman 'to nakatulog? At bakit sa balikat ko pa? Nasa isip ko na sanang hawiin ang ulo niya pero naawa naman ako kaya hinayaan ko na lang na ganun kahit labag sa isip ko na gusto naman ng puso ko.

Hindi ko alam pero nanatili akong nakatitig sa mukha niya. May parte sa puso ko na namimiss siya, dahil sa mga kasungitan niya. Sayang nga eh dahil iniiwasan ko na siya, kailangan eh. Inangat ko ang kamay ko at hahawiin sana ang buhok na nasa noo niya pero tumigil ako. Napaisip ako na ito na ang huli kong araw na mamasdan siya ng ganitong katagal dahil mas matutuon na ang attention ko kay Prince. Mapait akong ngumiti at binaling ang tingin sa bintana.

Biglang uminit kaya agad kong inangat ang kamay ko papunta sa noo ni Tyson para hindi siya maiinitan at hindi magising dahil sa init. Nanatili lang ganun ang position namin hanggang sa makarating kami sa school. Ginising ko siya at nagtagumpay naman ako dahil bago pa makalapit si Kate sa pinaroroonan namin ni Tyson ay nagising na ito. Umakyat kasi si Kate sa bus at parang may hinahanap kaya ginising ko na.

Nang umayos na si Tyson ay agad naman akong tumayo at naglakad pababa ng bus. Naglakad ako papuntang building namin ng hinarangan na naman ako ni Queeny kasama ang mga alipores niya. May katabi siyang alipores niya rin ata na umiiyak at matatalim ang tingin saakin. Nabigla ako ng sinampal ako nung alipores niya kaya hindi agad ako nakabawi. Kumuyom ang kamao ko dahil sa galit. Sisinghalan ko sana kaso sinampal naman ako sa kabila kaya napahawak naako sa pisngi ko.

"Mangaagaw ka! Pagkatapos kay Tyson, kay Prince ka na naman! Ganun ka ba ka desperada?! HA!!" Sigaw nito.

Hinila niya ang buhok ko at pinagtulungan nila ako kaya napatili naako.

"Ano ba!!---"

"Slut!"

"Mangaagaw!!"

"Malandi!"

"Higad!!"

Napadaing naako sa sakit at lumuluha naako sa sakit at inis. Hinila ko din ang buhok nung babae at naghilaan kami ng buhok habang pinagsisipa ko naman yung mga alipores ni Queeny at si Queeny.

"Hayop kayo! Mananakit lang kayo ng tao kahit mali yang pinagsasabi niyo!!" Sigaw ko.

Hindi nila ako tinitigilan at patuloy parin kami sa hilaan. May humawak sa braso ko at hinila ako papunta sa likod ni kung sino. Napakagat labi ako at napaangat ng tingin sa likod kung sino ito. It was Tyson back and I'm sure of it. Marahas kong hinawi ang kamay niya na nakahawak sa kamay ko.

Naglakad ako palayo habang nagpupunas ng luha. Napatigil ako at napahawak sa ulo ko ng kumirot ito. Pilit kong dinidilat ng maayos ang mata ko pero kusa itong sumisira hanggang sa nawalan ako ng malay.

~*~

Marahan kong dinilat ang mata ko at napatingin sa paligid. Napahawak ako sa noo ko at marahang napaupo. Puting kisame at pader. May heater din. Napatingin ako sa side at nakita ko si Prince na nakatulog sa couch. Nilinga ko ang paningin sa paligid.

Oh! Nasa clinic pala ako. Why am I here anyway? I don't remember anything na ikina injury ko.

Naalala ko na kung bakit ako nandito. Bwiset naman kasi yung mga yun, sinaktan ba naman ako kahit wala naman akong ginagawang masama.

May nakita akong taong naglapag ng plastic bag sa tabi kong table kaya napaangat ako ng tingin sa kaniya. Agad akong napaiwas ng tingin ng mapagtantong si Tyson pala iyon. Napahalukipkip ako at napalabi.

"Ahm...okay ka na ba? May sakit pa ba sayo?" Malamig na tanong niya.

"Okay lang." Maikling sagot ko.

Binalot kami ng katahimikan. Siya na ang bumasag at nagulat ako ng umupo siya sa side ng kama. Palihim akong napailing at nagangat ng tingin habang nilalabanan ang nararamdaman.

"Kath, I'm sorry last time---" pinutol ko na.

"No, you don't need to be sorry." Ngumiti ako ng mapait sa kaniya.

"So...kayo na?" Sabay tingin niya kay Prince na ikinasunod ng mata ko.

Mahimbing paring natutulog at mahinang humihilik. Bumaling ulit ako sa kaniya at nakita kong kanina pa pala siya nakatingin saakin.

"Hindi pa, pero nanliligaw na." Sagot ko.

Natahimik na naman siya at tutok na tutok saakin. Bahagya niyang inilapit ang mukha saakin kaya napaatras ako.

"What are you doing?"

"Pero, pwede din ba akong manligaw?" Nabingi ang tenga ko at nagpauli ulit ang kaniyang sinabi sa utak ko.

"W-what?" Nauutal na tanong ko.

"Sabi ko...pwede bang manligaw din ako sayo?" Nagbaba ako ng tingin.

Hinawakan niya ang baba ko at inangat para maglevel ang tingin namin. Napalunok ako at iniwas ang tingin. Hindi ko kaya baka any time sumabog na lang ako dito.

"Kath, look at me." Sabi niya.

Tumingin ako sa kaniya habang nilalabanan ang nararamdaman. Seryoso siya habang ako dito sobrang namumula na.

"Pwede bang manligaw?"

"Pero m-may girlfriend ka Tyson at yun ay ang bestfriend ko na si Kate. Hindi ko siya kayang saktan." Naiinis na sabi ko.

Nakakainis kasi, ano yun liligawan niya ako pero sila ni Kate. Naglolokohan ba tayo?

"Liligawan parin kita." Sabi niya.

Hinawi ko ang kamay niyang nakahawak sa baba ko.

"Ganun na ba ako katanga para sayo Tyson? Hindi mo ba naiintindihan, may girlfriend ka tapos liligawan mo ako?" Naluluha na naman ako.

Napailing na lang siya at tumayo.

"Wala ka talagang alam, Kath. Mabuti na rin yun dahil mas pipiliin kong hindi ka masaktan." Sabi niya at umalis ng clinic.

Natulala ako at napabuga ng hininga. Ano ba kasi yung pinagsasabi niya, anong hindi ko pwede malaman? At ano naman ang kinalaman ko.

~*~

____________________________________

Babala:

#TeamTyson
#TeamPrince

Kung mamimili ng team dapat maging wais.

-Speaking your Mayora_Donya

@Pammieaesthetic






Chapter 20 >>>>

Mr. Sungit meets Ms. Mabait (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon