Pahiya no. 40

1.4K 30 1
                                    


In relationships, trust is really important and of course love. Hindi ko inaasahan na kami parin hanggang huli.

Tumulo ang luha ko habang pinagmamasdan ang puntod ni mama. Nung nakaraang taon nalibing si mama. Kahit na matagal na magmula nung mamatay si mama, na mi-miss ko parin siya. Napahikbi ako ng makaramdam akong malamig na yakap. Alam kong nandiyan lang si mama. Hindi ko man siya makita pero nararamdaman ko.

"Ma alam mo ba, si papa bumalik na. Humingi siya ng sorry saakin. Nung una sobrang galit ako sa kaniya pero nung nakita kong nag-sisisi siya at nangungulila saatin, nabura lahat ng galit ko sa kaniya at naawa ako. Kahit na magawa niya saatin yun, napatawad ko naman siya. " bumuntong hininga ako.

"Lagi ko paring hinihiling na sana bumalik ka. Na sana nandito ka pa para makita yung kasal ko, na makasama kitang mag lakad sa altar kasama si papa. Pero lagi kong iniisip na masaya ka na diyan kasi alam kong safe ka diyan. Mauuna na ako ma. Kailangan ko po kasing umuwi ng maaga ngayon para sa kasal namin bukas. " Pinapagpagan ko ang sarili at tumayo.

Tinuyo ko ang luha. Huminga muna ako ng malalim at umalis. Magaan ang damdaming nag lakad ako palapit sa kotse. Bubuksan ko na sana ang kotse nang may yumakap saakin mula sa likod. Amoy niya pa lang alam ko na kung sino. Hinarap ko siya. Sinalubong niya ako ng may ngiti sa labi. I clung my arms to his neck.

"Baby, Di ba sabi ni mama na wag muna tayong magkita kasi masama daw yun para sa kasal natin bukas?" mama na ang tawag ko sa mama ni Tyson.

He frowned and he pouted his lips. "But I want to see you." Ahh what a cutie...

Natawa ako kaya sinamaan niya ako ng tingin. Kinagat ko ang ibabang labi para pigilan ang ngiti. He grin from ear to ear kaya pinaningkitan ko siya ng mata. Napatili ako ng kilitiin niya ako.

"T-Tyson! Wag!" tawang tawa ako.

"Tatawa tawa ka pa ha,"

Tumakbo ako palayo sa kaniya. Hinabol niya naman ako. Agad niya akong niyakap sa mula sa likod. Humarap ako sa kaniya. He kissed the top of my head. Napapikit ako. It's just a simple sweet gesture but it has a great effect on me. Minulat ko ang mga mata at nagkatitigan kami.

"I love you Kath and I can't wait till you say, I do." my heart warmed on what he said.

"I love you too Tyson and I promise that I'll be a good wife to you and a mother to our children."

Hinalikan niya ako ng mabilis sa labi. We don't care about that superstition kasi alam namin na hindi kami maghihiwalay. Nag lakad na kami patungong kotse.

"Ilang anak nga pa lang gusto mo?" tanong niya.

Sinuntok ako ang braso niya. Natawa siya at tinanong ulit kaya iniwan ko.

"Kath, ilan nga?" pangungulit niya at humabol saakin.

~*~

Abot dibdib ang kaba ko. Ito na yung araw na hinihintay ko. Magiging Mrs. Gray naako. Pero natatakot din ako na baka may sumira na naman ng araw namin o kaya maghihiwalay na naman kami. Natatakot ako sa mga bagay na yun. Huminga ako ng malalim.

"Kath? Ayos ka lang?" tanong saakin ni mama Leslie.

Ngumiti lang ako at huminga ng malalim. Bumuntong-hininga si mama Leslie at hinawakan ang magkabilang balikat ko. Tumingin ako sa kaniya.

"Anak kung ano man ang bumabagabag diyan sa isip mo ngayon, tanggalin mo yan, kasi araw mo 'to ngayon at ni Tyson. Well to tell you honestly, ganyan din ako ng ikasal ako sa papa ni Tyson. Kinakabahan ako at nag-iisip ng mga negative thoughts, pero nung nasa simbahan naako at naglalakad sa aisle, nawala lahat ng yun dahil mas inisip ko na kung magkakaroon man kami ng problema, sabay naming haharapin 'yon at hindi kami bibitaw sa isa't-isa. Ang kasal ay ang napaka masayang araw sa mga magkasintahan kaya walain mo ang lahat ng kaba na nararamdaman mo ngayon. Ang ganda mo pa naman ngayon. Okay?" tumango ako at ngumiti sa kaniya.

Mr. Sungit meets Ms. Mabait (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon