"Bakit ka nandito sa Pagadian?" Uminom siya.
Uminom na din ako at kumagat sa burger na hawak ko.
"Nag-transfer school." Simpleng sagot ko.
"Saan si Tyson?"
Bumuntong hininga ako bago sumagot.
"Nasa Manila."
"Kayo pa ba?" Tuluyan akong nawalan ng gana.
"Hindi naging kami." Mahinang sagot ko.
Parang nakaramdam siya na ayaw kong pag-usapan namin iyon kaya tumikhim siya. Umangat ang tingin ko sa kaniya. Nakita ko siyang nakikipaglandian sa katabi naming mesa. Humagikgik ang mga babae at lumapit pa ang isa sa table namin.
"Can I get your number?" Pabebeng tanong nito.
Napairap ako at napahalukipkup. Ang landi talaga...
"Of course, here." Inabot ni Jeff ang phone niya na agad namang kinuha ng babae.
"Thank you, see you tonight." Kinindatan siya ng babae at agad itong umalis.
"Seriously? Naglandian kayo dito sa harapan ko??" Hindi makapaniwala kong ani.
Nakakabwiset eh!! Sa harap ko pa talaga!? Nanggigil ako!!
"That's how you flirt, baby." Kumindat siya saakin.
Napairap ako at inubos ang milk tea ko.
"Nasagot ko na ang mga tanong mo, can I leave now?"
"Sure." Ngumiti siya ng nakakaloko saakin.
Sarap upakan ang mukha niya eh.
"Thanks, dito." Turo ko sa milk tea at burger.
"Can I get your number?" Tumayo naako.
"No."
"Please!! Baka magtatanong pa ako at least ma-contact lang kita agad!" Napailing ako at napangiti.
Tiningnan ko siya. He looked at me like begging. Why do I find him cute?
"No." Sagot ko at umalis na.
Tinawag niya pa ang pangalan ko pero hindi ko siya nilingon. Bahala nga siya. Sabi nga nila people change at si Jeff ang patunay nun.
~*~
Nagbabasa ako sa library ng hapon na yun dahil bukas may exam kami for 3rd quarter. Nabulabog lang ako ng tumabi saakin si Jeff at pinagpipilitan na bigyan ko siya ng number ko. Same answer parin ako at iniwan siya sa library. Sumunod siya kaya pumasok ako sa cr ng mga babae kaya hindi siya makapasok.
Lumabas naako ng cubicle. Napatalon ako sa gulat ng makita ko siyang nakahilig sa lababo habang ang kamay nito ay nasa loob ng bulsa niya. He looks gorgeous. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko at kinabahan ako.
"B-bakit ka nandito sa loob???" Nauutal na tanong ko.
Napaatras ako ng lumapit siya saakin. Naramdaman kong nakahilig na ang likod ko sa malamig wall. Napalunok ako sa lapit namin.
"J-jeff back off." I tried to push him but even a bit his body didn't even move.
He lacked me using his arms and leaned closer to me this time. I look away. My heart beats fast and my legs starts to wobble.
"So, that's explains why they call you as the busteder...because lahat ng lalaki na nanliligaw sayo ay binubusted mo. Now I wonder why? Is this because of him? Kaya hindi ka maka-oo sa kanila?"
BINABASA MO ANG
Mr. Sungit meets Ms. Mabait (Completed)
Novela JuvenilKatharine Deliacorte siya ay isang unpopular na babae na nagkagusto sa isang popular na lalaki na tapat bahay niya lang. Nung makilala niya ito nung bata palang sila ay nahulog na siya dito dahil sa angking talino nito at maladiyos na pagmumukha. Ty...