Pahiya no. 30

1.2K 27 7
                                    

"Baba na ang lahat, baba na. Miss baba na." Nagising ako ng gisingin ako ng konduktor.

Tumayo ako at kinuha ang gamit. Bumaba ako ng bus at nakasalubong ko agad ang mga nagbebenta ng siopao, mineral water, junk foods, at iba pa.

"Eto ne, siopao. Mainit pa yan at mura lang."

"Mineral ne."

"Itlog ne." Umiling ako at nilampasan sila.

Umupo ako kung saan umuupo ang mga passengers pag naghihintay ng bus.

Kinuha ko ang aking phone at inopen ito. May message ako galing kay Natasha, Prince, at Kate.

Natasha

Kath! Nasaan ka na ba!? Late ka na oh! Bilisan mo na.

Natasha

Saan ka na!? Nag-aalala naako dito!!

Natasha

Magtra-transfer ka?? Bakit Kath????? Paano naako dito? Iiwan mo talaga ako? :<<

Prince

Kath, sorry kung iniwan kita kanina, please balik ka na. Okay lang na siya ang piliin mo basta wag mo lang ako iwan.

Kate

Kath, sorry kung naglihim ako sayo. I'm really sorry. Dapat hindi ako naglilihim sayo dahil best friend kita. Sorry talaga,

Pait akong napangiti habang binabasa iyon. Pait akong napangiti hindi dahil sa messages nila kundi nalulungkot ako dahil walang message na galing sa kaniya, kahit man lang goodbye message wala.

Napabuntong hininga na lang ako at inoff ang phone.

"Kath!!" Nakita ko si tita Rita na excited papunta saakin.

Tumayo ako at simpleng ngumiti. Niyakap niya ako ng mahigpit at pinagmasdan ang kabuuan ko.

"Dalagang dalaga ka na! Nung unang dinala ka dito ng mama mo ang liit mo pa nun tapos ngayon ang laki laki mo na. Ang ganda mo pang bata."

Mr. Sungit meets Ms. Mabait (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon