Pahiya no. 6

1.8K 45 0
                                    

Tulad ng sinabi ko, nagpunta kami ng park, pagkatapos naming kumain dun, umalis agad kami at niyaya ko siyang magpunta ng park. Naglakad lang kami papuntang park tutal malapit lang naman ito. Nakita ko kung papaano magkulay orange ang kalangitan, niyakap ko ang sarili dahil sa lamig. Nakaramdam ako ng jacket na tumakip sa nilalamig kong katawan.

Napatingin ako kay Tyson pero nakatungo lang ito, palihim akong napangiti at inilihis ang paningin. May nakita kong nagbebenta ng ice cream kaya lumapit ako dito.

"Pabili po manong dalawa." Ani ko.

Tumabi naman saakin si Tyson at tiningnan ang ginagawa ni manong. Ibinigay na ni manong saamin ang ice cream kaya biniyaran ko na, hindi ko na hinayaan na si Tyson pa ang magbayad.

Kinuha na namin ang ice cream, kinain ko na yung akin at kinain na din ni Tyson ang kaniya. Nagpatuloy na kami sa paglalakad at maya maya lang ay nakaabot na din kami sa park. Wala nang masyadong tao dito kaya umupo kaming pareho sa swing. Pinaduyan duyan ko ito habang si Tyson naman ay nanatili lang.

"Marami akong alaala sa Park na 'to lalo na sa kababata ko." napangiti ako ng maalala ko at nagpatuloy ako sa pagkwento. "Dito ko siya unang na meet. Binubully kasi ako dati nung bata pa kami kasi mataba daw ako at dugyutin. Well totoo naman. Habang inaaway ako ng mga bata dito dati, dumating siya at iniligtas ako. Para siyang angel na bumaba sa langit, parang katulad lang din kay Natasha. Simula nun naging friends kami at nagulat ako na kapitbahay ko lang pala siya. Lagi kaming nag-lalaro dito, until one day, bigla siyang nawala na parang bula. Nalaman ko na lang na lumipat sila ng bahay na malayo dito. Sa ibang bansa pala." nalungkot ako.

"Ano bang pangalan ng kababata mo?" Biglang tanong niya.

Napatingin ako sa kaniya pero diretso lang ang tingin niya.

"Ahh, si Sydney Kate Wort." Sagot ko.

Natulala siya bigla kaya natigil ko ang pagduduyan ko.

"Okay ka lang? Bakit natigilan ka? Kilala mo siya?" Sunod sunod na tanong ko.

Hindi siya sumagot kaya nag-alala naako, tumayo na ako at itinapon ang ice cream, lumapit ako sa kaniya at nilagay ang kamay ko sa pisngi niya.

"Hey...are you okay? Bakit natigilan ka diyan?" Nag-aalalang tanong ko.

May nasabi ba akong ayaw niya kaya ba siya natigilan? Ugh! Naguguluhan naako.

Tumingin siya sa mga mata ko at kita ko ang sakit sa mga mata niya. Para bang may naalala siyang masakit at ayaw na niyang maalala. Mas lalo akong nag-alala sa kaniya.

"Kausapin mo naman ako oh? Nag-aalala naako sayo ah." Natataranta na talaga ako.

Hinawi niya ang kamay ko sa pisngi niya at tumayo siya, nagulat ako ng yakapin niya ako ng napakahigpit. Hinimas ko ang likod niya ng maramdaman kong mas humigpit pa ang yakap niya saakin.

May problema siya pero hindi niya masabi saakin at nag-aalala ako dun. Pagkatapos mangyari yun hindi ko na siya tinanong pa at inaya ko na lang siyang umuwi tutal gabi na.

Siya na rin ang nagpara ng taxi. Tahimik kaming pareho buong biyahe. Pagkarating namin ng bahay, bumaba na kami ng taxi at hindi na naman niya ako hinayaan na magbayad. Tumayo lang ako sa tabi niya at hinintay na makaalis ang taxi, ng makaalis ang taxi, humarap siya saakin.

"Ahm...thank you nga pala sa pagsama saakin sa mall, I have a great time with you, pasok naako." Tatalikod na sana ng mabigla akong hawakan niya ang kamay ko.

Natigilan ako at napatingin sa kaniya. Seryoso siyang nakatingin saakin kaya nagtaka ako.

"May kailangan ka pa?" Tanong ko.

Mr. Sungit meets Ms. Mabait (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon