Nakatulog ako at nagising lang ng ginising ako ni Prince. Ngiti ang binungad niya kaya napangiti na din ako. Umupo ako at nakatingin lang sa kaniya habang siya ay naghahanda ng lunch namin."Bakit ka nga pala nahimatay kanina, Kath?" Tanong niya at ngayon ay tapos na siya.
"Ahh...ewan ko...wala kasi ako kumain ng breakfast baka yun yung dahilan kung bakit ako nahimatay." Sagot ko.
"Buti na lang bago ka pa bumagsak sa lupa na kuha kita agad. Sana naman next time kumain ka na ha." Tumango ako bilang sagot.
Natawa siya na ikinatawa ko din. Maswerte talaga ako kay Prince at hindi ko pinagsisihang umoo ako. Matiwasay naman kaming kumain ni Prince at hindi ko mapigilang mapatanong.
"Prince, ano nga pala yung pinag-usapan niyo ni Kate nung last?" Tanong ko habang naninimbang ang tingin.
Natigilan siya at napaangat ng tingin. Tumigil siya sa pagkain at nilapag ang pagkain niya sa mesa na nasa tabi ko.
"It's just stuff, Kath. Nagseselos ka 'no? Yieeehh! Nagseselos siya." Kiniliti niya ako kaya napatili ako.
"W-wag! HAHAHAHA!! STOP!!" Tawang tawa ako.
~*~
Nasa loob naako ng room habang sila Queeny at mga alipores niya ay suspended. Hindi ako nasuspend dahil hindi naman ako ang nagsimula at maraming nakakita.
Bago palang ako makaupo sa upuan ko ay may nakita akong dalawang rose sa upuan ko. Kinuha ko iyon at may card duon kaya binuksan ko at binasa.
Have a happy day my Queen
-P
Liligawan parin kita
-T
Naghiyawan ang mga kaklase ko habang tinitease ako. Nahihiya akong umupo sa upuan at nilagay sa ilalim ng desk ko ang dalawang piraso ng rose. Dumating si Tyson at saakin na ang tingin niya na sinundan ko hanggang sa umupo na siya sa bangko niya kaya ibinaling ko na sa harap ang tingin. Maya maya lang ay kinuhit niya ako kaya napabaling ako sa kaniya sa likod at may inabot siyang maliit na piraso ng papel.
Kinunotan ko siya ng noo pero nginuso niya lang ang papel kaya binuksan ko at nakita kong may sulat duon.
So, magkalaban kami ni Prince sayo?
-T
Marahas ko siyang binalingan sa likod pero nagkibit balikat lang ang bwiset kaya nagsulat na din ako sa maliit na papel.
At sinong nagsabi na magpapaligaw ako sayo? Sinabi ko na nga kanina diba, hindi pwede.
-K
Binigay ko sa kaniya at bumaling sa harap. Maya maya lang ay kinuhit niya ulit ako at may inabot na papel na naman.
Basta, liligawan parin kita.
-T
Hindi naako nagreply dahil pagod naako kakasabi sa kaniya. May maya lang ay dumating na ang prof namin sa English.
~*~
BINABASA MO ANG
Mr. Sungit meets Ms. Mabait (Completed)
Genç KurguKatharine Deliacorte siya ay isang unpopular na babae na nagkagusto sa isang popular na lalaki na tapat bahay niya lang. Nung makilala niya ito nung bata palang sila ay nahulog na siya dito dahil sa angking talino nito at maladiyos na pagmumukha. Ty...