Pahiya no. 24

1.5K 32 0
                                    

Nag-ayos muna ako sa sarili bago lumabas ng cubicle. Umupo naako sa upuan.

"Okay ka na ba?" Nagaalalang tanong ni Kate.

Simple akong ngumiti at tumango.

"Oo, nailabas ko na lahat." Pagbibiro ko pa.

Natawa kaming tatlo except kay Tyson. Nakatingin itong matiim saakin kaya iniiwas ko ang paningin ko sa kaniya.

"Hihintayin ka na lang namin." Pahabol na sabi ni Natasha.

Napatingin ako sa mga plato nila at nakita kong tapos na pala sila kaya uminom naako ng tubig.

"Hindi ko na yan uubusin. Punta na tayo sa WOF, lilibrehin pa naman kita." Tumingin ako kay Kate at tumayo naako.

"Ubusin mo yan." May halong diin na sabi ni Tyson.

Napatigil ako at napatitig sa kaniya. Umigting ang panga niya at napaka seryoso niya.

"Okay na yan Tyson, punta na tayo baka gagabihin pa tayo." Nakangiting aya ni Kate.

Binalingan siya ni Tyson at kahit siya ay napawi ang ngiti dahil sa seryoso nitong tingin.

"Bawal ang mag aksaya ng pagkain dahil mawawalan ka ng gracia." Bumaling siya ulit saakin at mariin parin ang titig.

Napalunok ako at napaupo ulit sa upuan.

"OA ka pinsan." Komento ni Natasha.

Pero hindi iyon pinansin ni Tyson at saakin parin ang attention. Kinuha ko ulit ang kutsara at tinidor at kinain ang natirang pagkain sa plato. Nang maubos ko na ang pagkain ko ay umalis na kami sa fastfood.

Nangunguna sa unahan sina Tyson at Kate habang kami naman ni Natasha ang nasa huli.

"Bakit bigla ng change ang mood nun? Siguro meron siya." Bulong ni Natasha saakin.

Hindi ako sumagot at nakatitig lang ako sa likod ni Tyson. Kahit nga ako eh nagtaka sa inasta niya. Dapat nga ako ang galit dito eh, bakit parang bumaliktad ang sitwasyon. Napailing na lang ako sa naiisip ko.

1000 tokens ang binili ko at nag enjoy naman kami sa mga games. Bago kami umuwi ay ang huli naming pinuntahan ang karaoke. Pumasok kami at nag order ng foods. Naghulog na duon si Natasha at kumanta. Ako na ang susunod at ang napili kong kanta ay Malibu Nights by LANY.

There's no reason, there's no rhyme
I found myself blindsided by
A feeling that I've ever known
I'm dealing with it in my own
Phone is quite, walls are bare
I drink myself to sleep, who cares?
No one even has to know
I'm dealing with it on my own...

A got way to much time to be this hurt
Somebody help, it's getting worse
What do you do with a broken heart?
Once the light fades, everything is dark
Way to much whiskey in my blood
I feel my body giving up
Can I hold on for another night?
What do I do with all this time?

Naging magaan na ang pakiramdam ko ng naikanta ko lahat ng sama ng loob. Pagkatapos mag kantahan ay nagyayaan na kaming umuwi.

Nasa labas na kami ng mall at nag aabang na kami ng taxi para makauwi. Nakapag abang agad si Kate. Nagtaka ako ng hindi sumama si Tyson kay Kate pauwi kaya mag isang umuwi si Kate.

"Bakit hindi ka sumama sa kaniya pauwi, Tyson?" Tanong ni Natasha sa kaniya.

"Ihahatid ko na kayo para masiguro kong ligtas kayo." Sabi ni Tyson at lumandas ang tingin niya saakin pero nag iwas agad ako ng tingin.

Nakapara na kami ng taxi at pumasok na kami. Bale nasa kaliwa si Natasha habang ako ay nasa gitna at nasa kanan ko naman si Tyson. Tahimik naman ang biyahe kaya ayun nakatulog si Natasha at ang natitirang gising ay ako at si Tyson. Malayo layo pa kasi ang subdivision kung saan kami nakatira ni Natasha.

Mr. Sungit meets Ms. Mabait (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon