Pahiya no. 7

1.7K 49 1
                                    

Hindi ko maitago ang saya na nadarama, magmula nung gumising ako kanina, ang saya saya ko.

"Hoy! Para kang timang diyan!" Nabuhayan ako sa sinabi ni mama.

"Po? Bakit po?" Napatanong ako bigla.

Umupo si mama sa kaharap kong upuan. Kasalukuyang nasa dining area kami at nagbrebreakfast. Umupo ako ng maayos at uminom ng tubig.

"Para ka kasing timang dahil sa kakangiti mo diyan, buti sana yang ngiti mo maiangat tayo." Napasimangot ako sa pangaral ni mama.

Bakit ba?! Bawal bang ngumiti? I feel offended.

"Mama naman eh!" I whined.

"Bilisan mo na diyan dahil dadating na ang school bus mo---" bigla may naghonk sa labas ng bahay.

(Tutt tutt tutt)

Napatayo ako at kinuha ang bag ko sa sala, lumapit ako kay mama at hinalikan siya sa pisngi.

"Sabi ko na nga ba." napailing siya. "Umuwi ng maaga ha!" Bilin ni mama.

Kaya umalis naako ng bahay at sumakay ng school bus. Nagtaka ako ng hindi ko makita si Tyson, nangunot ang noo ko at umupo sa upuan.

Saan kaya yun? Absent kaya siya? May lagnat ba siya? I'm getting worried.

~*~

"Natasha, nakita mo ba si Tyson?" Tanong ko kay Natasha.

Papunta na kasi kami ng classroom at nagkasabay lang kami papasok ng gate.

"Ewan, hindi ko alam, hindi naman ako yung kapitbahay niya 'no duh!" Napairap ako sa pangbabara niya.

Kahit kailan talaga, hindi siya maayos kausap. Pero nagtataka parin ako, napaisip ako bigla, hindi naman siya nag-aabsent kahit nung mga past grades, nakakapagtaka lang nga.

"Natasha may itatanong nga pala ako." wala naman sigurong masama kung sabihin ko diba?

Lumingon siya saakin at tumango.

Ibinaling ko ang tingin sa daanan at bumuntong hininga. "Kilala mo ba si Kate?" tanong ko at bumaling sa kaniya.

Nakita kong bahagya siyang natigilan at napa-iwas ng tingin. Tumigil siya sa paglalakad kaya nahinto din ako. Tumingin siya saakin ng may pagaalinlangan.

"Kath, sana wag kang masasaktan sa sasabihin ko ha? Si Kate ay ex ni Tyson. Siya ang first love ni Tyson. Nag break sila nung iwan siya ni Kate dito sa Philippines."

Parang nawasak ang puso ko sa narinig at hindi nakasagot. Parang nabingi ako at naliwanagan. Kaya naman pala nagka-ganun si Tyson nung nabanggit ko yung name ni Kate. Ang tanga ko talaga kahit kailan.

"Halika na." sabi ko at ngumiti na hindi abot sa mata.

Kita ko sa mga mata ni Natasha ang awa at pag-aalala pero inilihis ko lang ang tingin sa kaniya at tumingin sa daanan.

Nang makarating kami sa pinto ng room, iikutin ko na sana ang door knob kaso may nag-open na ng pinto at nagulat ako kung sino ang lumabas.

Natulala ako ng makita ko si Tyson.......




At.......




Kate......

Kate?

Bigla niya akong niyakap ng napakahigpit kaya natulos ako sa kinatatayuan ko.

O M G! Is this for real?! Nanaginip ba ako?

Humiwalay siya sa yakap namin at hinawakan ako sa magkabilang balikat. Nakita ko kung paano tumulo ang luha niya sa pisngi.

"H-hi *Huk* K-kath," nabuhayan ako at naiiyak na rin.

Mr. Sungit meets Ms. Mabait (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon