Pahiya no. 37

1.2K 30 9
                                    

Guys moment muna 'to ni Jeff ha. Kawawa naman kasi yung nangyari sa kaniya. Pero babalik naman agad si Kath. Happy reading everyone.
______________________________________

Jeff POV

Pinunasan ko ang luha ko at nilagok ang alak. Mahigpit ang hawak ko sa baso habang naaalala ang halikan nila kanina. Umigting ang panga ko at pinunasan ang luha ko.

"Paano nagawa saakin 'to ni Kath? Minahal ko naman siya, inalagaan, at nirespeto, pero bakit? Bakit niya parin ako sinaktan? Ano bang nagawa kong mali? Kulang pa ba yung binigay kong pagmamahal? Kulang pa ba!!?" Galit na tinapon ko ang baso sa pader at nabasag ito.

Ibinalibag ko mesa. Nagwala ako at nagsisigaw. Napasandal ako sa pader at napadausdos ng upo. Napahagulgol ako at niyakap ang tuhod.

"Ano bang mali saakin? Ano ba?..."

~*~

Kath POV

Ilang araw na akong nakakulong sa kwarto at nagmumukmok. Nakatulala lang ako sa bintana habang yakap yakap ang sarili. Hindi ko inabalang punasan ang pisngi ko. Ang sama sama ko. Ang bait bait saakin ni Jeff pero anong ginawa ko, sinaktan ko lang siya, ang sama ko. Ilang beses ko siyang tinawagan at tinext pero hindi niya sinasagot o nirereplayan man lang. Pumunta ako ng bahay niya kahapon pero ang sabi wala daw siya. Kung alam niya lang kung gaano ko ka gusto na mag-sorry sa kaniya.

May kumatok sa pinto kaya agad kong pinunasan ang pisngi ko at binuksan ang pinto. Agad bumungad ang nag-aalalang mukha ni mama.

"Mama..." nilapitan ko siya at niyakap ng mahigpit.

Hinagod niya ang likod ko at tinatahan. Iginaya niya ako sa kama at naupo kami.

"Ano ba ang nangyari anak?" nag-aalalang tanong ni mama.

"Ma, nasaktan ko po si Jeff, nasaktan ko po siya. Nakita niya pong naghahalikan kami ni Tyson sa loob ng elivator. Ma, pinigilan ko naman po eh, pero bumabalik po talaga... Hindi ko na po alam kung ano ang gagawin, ma...Sorry kung na-disappoint ko kayo. Sorry..." humagulgol ako.

Niyakap ako ni mama at hinagod ang likod ko.

"Tahan na anak, tahan na. Ganyan talaga ang pagmamahal. Ibig sabihin lang niyan ay mahal mo pa siya at mahal ka pa din niya. Hindi mo naman kasalanan na nag mahal ka. Hayaan mo muna ngayon si Jeff, bigyan mo muna siya ng oras pagkatapos dapat mag-usap kayo, magkaliwanagan kayo. Hindi mo kasalanan," Saad ni mama.

Kumalas ako sa yakap niya. Hinawi niya ang ilang hibla ng buhok ko na natatakpan ang mukha ko.

"Nak, tanong ko lang, mahal mo ba talaga si Jeff?" natahimik ako sa tanong ni mama.

Mahal ko nga ba si Jeff? O akala ko lang na mahal ko siya?

"Mahal po." sagot ko.

"Nak, hindi mo siya mahal, kita ko sa mata mo. Anak kita kaya alam ko at nararamdaman ko na hindi mo siya mahal. Nasasabi mo lang na mahal mo siya dahil idinidikta ito ng isip mo, pero ito ba ang idinidikta ng puso mo? Mas mabuti pang magpakatotoo tayo kaysa naman patuloy tayong makakasakit ng damdamin ng iba. Pag-isipan mo to ng mabuti anak, at nandito lang ako para gabayan ka. "

"Salamat, ma." niyakap ko siya ng mahigpit.

"I love you..." bulong ko.

"I love you too, nak." ipinikit ko na lang ang mata habang nakayakap parin kay mama.

Mr. Sungit meets Ms. Mabait (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon