Nagorder ako ng sandwich at drinks sa canteen. Naglakad ako palabas ng canteen at hindi sinasadiyang mabangga si Tyson kaya nahulog ang libro na bitbit ko kanina at ang binili kong sandwich.
Umupo naman ako para pulutin ang mga libro ko at tinulungan din ako ni Tyson sa pagpupulot. Nang mapulot ko na lahat tumayo at napatingin kay Tyson na pinulot ang sandwich at tinapon sa trash bin, magrereact na sana ako pero inunahan na niya ako.
"Ano? Kakainin mo parin yun kahit nahulog na?" Natutop ulit ang bibig ko at hindi nagsalita.
Sobrang bilis ng tibok ng puso ko sa hindi ko malamang dahilan. Pasimple akong napahawak sa dibdib ko at napakabilis nitong tibok. Nagiwas ako ng tingin at aalis na sana pero pinahintay niya ako kaya huminto din ako at pinagmasdan siyang pumunta ng canteen at pumunta ng counter. Sumandal muna ako sa pader at hinintay siya.
Hindi lang naman pala pagsusungit yung alam niya kundi may concern pala tong lalaki to kaya parang loko tong puso ko kung tumibok. Dapat nga ngayon galit ako sa kaniya pero hindi eh, nagtatanga tangahan na naman ako. Kahit na mukhang galit siya kanina pero para saakin wala lang yun.
Namula ang pisngi ko at hindi ko mapigilang ngumiti habang inaalala ko yung nangyari kanina.
"Huy, para kang timang."
"Ay Timang!!" Nagulat ako ng sumulpot lang bigla si Tyson sa tabi ko.
Inabot niya saakin ang sandwich at siyempre hindi ko agad kinuha no, nangunot naman ang noo ko.
"Ano yan?" Takang tanong ko.
"Sandwich, hindi ba obvious?" Napasimangot akong kinuha ang sandwich sa kamay niya.
"Sakin to?" Tinaas ko ang sandwich.
Nagkrus ang braso niya at humilig sa pader.
"Kung hindi yan sayo ibibigay ko ba yan?" Napairap ako sa kaniya at mas lalong sumimangot.
"Wag kang sumimangot, di bagay sayo." He frowned and left.
Hindi ako makapaniwalang bumuga ng hangin at napapadiyak sa sahig dahil sa inis. Kahit kailan ang lalaking yun hindi talaga natatanggalan ng sungit sa dugo. Saan kaya siya pinaglihi ni tita? Bakit ganyan yan kasungit? But the thought he gave me sandwich makes my cheeks blush.
Yiiieehh...kinilig ka naman? Malay mo ganun din siya kay Kate?
Oo nga noh, baka mas higit pa dito yung binibigay niya kay Kate eh.
Nalungkot ako bigla at bagsak balikat na nagtungo sa garden. Tahimik lang akong nagbabasa ng libro para sa science mamaya habang kumakagat ako sa sandwich. Biglang nagdilim kaya napaangat ako ng tingin.
Sino to? Bakit niya ako pinapayungan?
"Hi, sorry kung naabala kita, pinayungan na kita kasi napakatirik ng araw tapos nagbibilad ka diyan." He shyly said then smile.
Na star struck ako sa ngiti niya kaya natulala ako.
Singkit ang mga mata niya, matangos ang kaniyang ilong, mapupula ang manipis niyang labi, maputi siya at matangkad. Ang kaniyang buhok ay kulay itim at ang kulay ng kaniyang mata ay itim din.
Mukha siyang prinsipe dahil sa tindig niya.
"Hey..." tawag niya kaya natauhan ako.
Nataranta ako bigla at narealize na matagal na pala akong nakatitig sa kaniya kaya napatayo ako at nahihiyang tumingin sa kaniya.
"Uh...Haha...sorry," nahihiya akong tumingin sa kaniya.
Napakagat labi ako at napaiwas ng tingin sa hiya.
BINABASA MO ANG
Mr. Sungit meets Ms. Mabait (Completed)
Genç KurguKatharine Deliacorte siya ay isang unpopular na babae na nagkagusto sa isang popular na lalaki na tapat bahay niya lang. Nung makilala niya ito nung bata palang sila ay nahulog na siya dito dahil sa angking talino nito at maladiyos na pagmumukha. Ty...