"Bye Natasha." Kumaway ako sa kaniya.
"Bye Kath." Paalam niya saakin at kumaway.
Humiwalay na kami ni Natasha, pumasok naako sa school bus at umupo kung saan nakaupo si Tyson. Nakatingin siya sa labas ng bintana kaya bumaling ako sa kaniya. Ngayon na magsisimula ang paghihiganti ko.
"Hi Tyson!" Maligayang sabi ko.
-_-
"Tyson..."
-_-
"Tyson!!!"
"Ano ba?!" Inis na sambit niya.
Mission success.
"Wala lang." Nakagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang pagngiti.
Tumikhim ako at bumaling sa kaniya.
"Free ka ba bukas?"
-_-
"Free ka ba bukas?"
-_-
"Tyson---" agad na niyang pinutol ang sasabihin ko.
"Oo." Sagot niya.
Palihim akong napangiti.
"Pwede samahan mo ako bukas sa mall?"
"Hindi." Sagot niya kaya napasimangot ako pero hindi ako tumigil.
Pinagsalikop ko ang mga kamay ko at mas lumapit sa kaniya.
"Sige na Tyson! Please!!" Dedma na naman siya..
Sinubukan ko na naman at mas lumapit pa sa kaniya.
"Please! Tyson! Please!! Pretty please!!" Pamimilit ko.
Bumaling siya saakin kaya umayos ako sa pagupo. I think it's a success.
"No." Parang lahat ng hopes ko nagiba dahil sa sinabi niya.
Ang ngiti ko ay napalitan ng simangot at nilubayan na siya. Nagcross arms ako at bumuntong hininga. Oo yun ang plano ko, ang kulitin ng kulitin siya hanggang pansinin ako, desperado na kung desperado.
Ughhh! Bakit ba ang cold hearted ng taong ito?! Nakakainis siya ha.
Hindi ko na mabilang kung ilang buntong hininga ang ginawa ko basta ang alam ko lang ang sama ng loob ko.
"Can you stop that?!" Nabigla ako sa biglang pagkairita ni Tyson.
Taka akong nakatingin sa kaniya at nakita ko siyang nakatingin saakin.
"Ha? Anong ginawa ko sayo?" Kunot noo kong tanong.
"Tigilan mo nga yang pagbubuntong hininga mo, nakakadistract eh." Natigilan ako saglit sa sinabi niya.
Ahh, nadidistract pala siya sa ginagawa ko uh.
"Wala naman uh." Maang maangan ko at bumalik sa pagkakaupo ko.
Ginawa ko ang pagbubuntong hininga ko, akala mo ah, tignan natin kung hindi ka pa pumayag. Pinagpatuloy ko lang at napansin kong mas lalo siyang nairita. HAHAHAHA noted evil laugh po yan.
Mission success.
"Okay!" Bulyaw niya kaya tumingin ako sa kaniya.
"Anong okay?" Tanong ko.
"Pumapayag naako." Nanlaki ang mata ko.
Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat at niyugyog siya.
"Yehey! Wala ng bawian ah, peks man mamatay man! Yes!" Hinawi niya ang kamay ko.
Ang laki laki talaga ng ngiti ko at hindi ko alam kung kailan ito tatanggalin dahil sa tuwa.
BINABASA MO ANG
Mr. Sungit meets Ms. Mabait (Completed)
Teen FictionKatharine Deliacorte siya ay isang unpopular na babae na nagkagusto sa isang popular na lalaki na tapat bahay niya lang. Nung makilala niya ito nung bata palang sila ay nahulog na siya dito dahil sa angking talino nito at maladiyos na pagmumukha. Ty...