Bumaba na kami ng taxi kaya kinuha ko ang pangbayad ko sa wallet.
"Wag na." Ani nito na nakalabas na pala ng taxi.
Napatingin ako kay Tyson.
"Binayaran ko na, bilisan mo na diyan para makauwi na tayo ng maaga." Nagsimula na siyang pumasok ng mall kaya dali dali kong pinasok ulit sa bag ang wallet ko at sumunod kay Tyson.
Tumigil ako at inopen ang bag ko para tingnan ng security. Nang matapos nilang tingnan dali dali naman akong sumunod kay Tyson na nauuna na saakin maglakad.
Bakit ba kasi ang lalaki ng hakbang niya? Napapagod naako kakahabol sa kaniya.
Hinigit ko ang kamay niya para tumigil muna.
"W-wait la-ang..." hinihingal na ani ko.
Hiningal talaga ako kakahabol sa kaniya, jusme mamatay ako nito.
Nang mahimasmasan naako, tumayo ako ng tuwid at kinuha ang mga listahan sa bag ko.
"Ano yan?" Tanong saakin ni Tyson.
"Listahan." Simpleng sagot ko.
"Listahan para saan?" Tanong niya muli.
Napairap ako at namewang sa kaniya.
"Siyempre, listahan ng mga bibilhin ko para wala akong makalimutan at isa itong matalinong pagdedesisyon." Mahabang sagot ko.
"Matalinong pagdedesisyon?" Napairap na lang ako sa tanong niya.
"Grade 9 lesson in Arpan." Sagot ko at unang hinatak siya sa national book store.
Kumuha ako ng basket at ganun din ang ginawa niya kaya nagtaka ako.
"Bakit may dala kang basket?" Takang tanong ko.
"Mamimili din ako." As expected maikli na naman ang sinagot niya.
Pinilig ko na lang ang ulo ko at hinanap na ang mga nakalista na kailangang bilhin. Matapos naming mamili pumunta agad kami sa pinaka maluwag na counter, ito po kasing si Mr. Tyson ay nagmamadali kasi daw may lalakarin pa siya.
Nang turn na namin, nilagay ko na ang mga pinamili ko sa counter.
"Mahilig ka sa panda?" Napalingon ako sa kaniya na nasa likuran ko.
"Oo, why?" Nangunot ang noo ko.
"Gross." Maikling sagot niya na nagpairita saakin.
What! Gross?! Huh! Hindi kaya! Ang cucute kaya ng mga panda.
"Anong gross ka diyan? Ang cute kaya nila." Nagpout ako.
"Gross." Sabi niya parin.
Inirapan ko siya at tinuon na lang ang attention ko sa counter.
"5,000 ma'am." Ani nung babae.
Kinuha ko ang wallet ko at ibinigay sa babae ang pera. Nakabusangot kong kinuha ang binili ko at umalis ng counter. Una na akong lumabas ng store habang inis na nagpapadiyak.
How dare he insult my panda! I hate him!!
Nakacross arms ako at hinintay siyang lumabas ng store, maya maya lang lumabas na siya ng store. Nagsimula naakong maglakad sa susunod kong pupuntahan at yun ay isang fast food chain kasi bigla akong nagutom. Napatingin ako sa likod ng mapansin kong walang Tyson ang nakasunod.
'Saan na naman kaya yun?' Napatanong ako sa sarili ko.
Napabuntong hininga na lang ako at nagulat na nasa tabi ko lang pala siya. Akala ko kung ano na! Kinabahan ako dun ah.
BINABASA MO ANG
Mr. Sungit meets Ms. Mabait (Completed)
Teen FictionKatharine Deliacorte siya ay isang unpopular na babae na nagkagusto sa isang popular na lalaki na tapat bahay niya lang. Nung makilala niya ito nung bata palang sila ay nahulog na siya dito dahil sa angking talino nito at maladiyos na pagmumukha. Ty...