Pahiya no.1

3.2K 83 4
                                    

Naglalakad lang kami ni Natasha ng may bumangga saakin at natapon saakin ang iniinom nitong juice. Napamura ako at tiningnan ang damit kong natapunan ng juice.

Basang basa ang buong blazer ko at natapunan din ng konti ang blouse ko.

"Gosh! What did you do?! Tatanga tanga ka kasi kaya ayan tuloy nabuhos ang juice ko!" Bulyaw nung nakabangga saakin.

Napaangat ako ng tingin sa nakabangga saakin at nakita kong nakapamewang siya saakin habang tinaasan ako ng kilay. Tsk! Ako pa talaga ang tanga dito! Eh siya nga 'tong mas tanga eh kasi siya yung namangga.

"Teka nga, sino ba sa inyong dalawa ang namangga? Diba ikaw!" Inis na singhal ni Natasha.

Binalingan ng babae si Natasha at nagsmirk lang ito. Tama Natasha! Siya kaya ang namangga, ano siya bulag.

"At sino ka naman para makapagutos? Nanay ba kita? Tatay ba kita? Eh anak ka lang naman ng may ari dito at wala akong pake alam dun kasi pantay pantay lang naman ang trato dito." Mataray na sabi nung babae.

Hinawakan ko ang braso ni Natasha para pigilan siya dahil kilala ko siya, pagmay nanggalit sa kaniya, wala siyang pakealam kung mapatay niya man ito. Okay lang din saakin kung mapatay niya 'tong babaeng 'to, mas mabuti nga yun eh but I'm worried din kasi sa best friend ko.

"Pantay pantay? Alam mo ba ang salitang yun? Hindi yun bagay sayo kasi hindi ka naman dapat tinatratong pantay eh kasi yang ugali mo mas masahol pa sa hayop!" Pangungutiya niya sa babae.

Nakita ko kung paano nagkuyom ang kamao nito at umuusok nitong ilong. Nakarinig ako ng ilang tawanan sa paligid at bulung bulungan na mas lalong nagpagalit sa babae.

"Hayop ka!" Susugurin niya sana si Natasha pero naunahan ko siya kasi tinulak ko siya ng napakalakas na nagpatumba sa kaniya at napadaing siya sa sakit ng puwetan niya.

Yan kasi hindi matanggap na talo siya kaya ayan ang napapala niya.

"Ouch! Ang sakit ng puwet ko!" Daing niya pero hinila ko na palayo si Natasha palayo sa babae at dumaretso ng rest room.

Hinubad ko ang blazer ko at nilunod ito sa tubig. Binasa ko ng konti ang panyo ko at pinunasan ang mantiya na nasa blouse ko, pero agad kong pinagsisihan dahil mas kumalat ito sa damit ko.

"Shit!" Mura ko at dali dali itong tinutuyo.

"Buwiset ang babaeng yun! Nakakainis siya! Eh siya nga itong namangga eh pero siya pa tong galit!" Walang humpay na reklamo ni Natasha.

Napailing na lang ako habang tinutuyo ang blouse ko. Hindi parin tumigil si Natasha sa kakareklamo kaya medyo naiirita ako. Nang matuyo ang blouse ko, sunod ko namang ginawa ay piniga ang blazer ko at inilagay ito sa plastic. Lagi akong may dalang plastic para na rin pang back up. Hinila ko na si Natasha papalabas ng rest room at buti na lang tumahimik na din  siya baka kasi iwan ko pa 'to dito kasi puro reklamo na lang ang bukang bibig nito.

Pagkarating na pagkarating namin ng classroom ay ang pagdating din ng aming filipino teacher namin. Umupo na kami sa aming kaniya kaniyang upuan at tumayo.

"Magandang umaga sa inyong lahat..."

"Magandang umaga ma'am." Sinenyasan na niya kaming umupo.

Inilabas ko ang notes ko sa filipino at kinuha ang ballpen ko.

"Sa araw na ito, lahat kayo ay magpapakilala isa't-isa, magsisimula tayo sa harapan." Tumayo na ang nasa unahan.

Nasa pangalawang row kami ni Natasha at ako ang una kung tatawagin mamaya. Natapos na ang unang grupo at kami na ang susunod, tumayo ako at umayos ng tayo.

Mr. Sungit meets Ms. Mabait (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon