Pagod akong bumangon kinaumagahan at walang ganang pumasok. Ang tamlay tamlay ko sa araw na ito. Pagbukas ko palang ng pinto may narinig naakong tawanan sa baba.
"Oo nga po tita eh." Narinig ko ang boses ni Kate.
Anong ginagawa niya dito? At ano kaya ang pinag-uusapan nila ni mama?
Bumaba ako ng hagdan at nakita ko silang dalawa ni mama na nakaupo sa couch at nakita din ako ni Kate. Tumayo siya at niyakap ako.
"Hi, Kath!" Masayang bati niya.
Niyakap ko siya pabalik.
"Hi, Kate." Medyong natatawa kong sabi.
Kinalas niya ang yakap at hinawakan ako sa magkabilang balikat.
"Sobrang saya ko lang kasi ngayon!" Na curious ako sa sinabi.
"Bakit naman?"
"Kami na ulit!" Bigla akong kinabahan.
"Nino?"
"Ni Tyson!!"
~*~
Tulala ako habang pilit parin akong kinokomfort ni Natasha. Nasa may garden kami ng school at ito ang paborito naming tambayan ni Natasha. May mga bleachers dito, Bermuda ang mga grass dito tapos may mga iba't ibang flowers kang makita dito at sa gitna ng garden ay may fountain. Dito kami tumatambay kasi napaka peaceful at napaka relaxing ng lugar.
"Kahit ako hindi ako makapaniwala dahil masyado pang maaga tapos naging sila agad..." hindi makapaniwalang sabi niya.
Kahit nga ako hindi makapaniwala. Dalawang araw palang mula nung magkita sila ulit pero naging sila agad. Kanina nga nagulat ako sa sinabi ni Kate at gustong gusto ko talagang umiyak pero pinilit kong wag dahil ayokong umiyak sa harap at kay mama dahil lang kay Tyson.
Tumulo na naman ang luha ko at hindi ko na naman mapigilang humikbi.
"Haysst! Ano ba yan Kath? Mauubusan naako ng tissue nito eh." Sabi niya sabay bigay ng tissue saakin.
Kinuha ko naman at suminghot duon at nagpunas ng luha.
"Nakakainis lang kasi eh. Simula't sapul alam ko ng hindi magiging akin si Tyson, pero sadiyang tigas ng puso at ng isip ko dahil kahit anong pigil nanduduon parin yung nararamdaman ko sa kaniya." Panghihimutok ko.
Napailing na lang siya in disbelief.
"Anong gagawin ko, Natasha?"
She just shrugged means na walang siyang alam kaya hopeless akong sumandal sa bleacher.
"I think, maging masaya ka na lang sa kanila?" Mas lalong napapout ang labi ko dahil sa walang kasiguraduhang sabi niya.
"Ginagawa ko naman uh!" I hissed.
Ilang oras pa, nanatili lang kaming tahimik at walang kibuan kahit ako nawalan ng ganang magsalita.
"Paano naman kung lumaban ka? Remember, best friend mo si Kate at ang mahal lang naman ng best friend mo ay si Tyson. Ano bang mas importante sayo? Your feelings towards Tyson or the happiness of Kate?" Mas lalo akong nahihirapan sa sinabi niya.
"Hindi ko alam?" Hinarap niya ako sa kaniya.
"Hindi ko to sinasabi dahil mas gusto ko si Kate para kay Tyson kaysa sayo pero I'm trying to say is that diba mas importante pa ang kaibigan mo kaysa kay Tyson kasi si Kate at ako, nandidito lang kami at susuportahan ka namin pero si Tyson...dadating ang panahon na magsasawa siya sayo, malay mo makahanap pala siya ng iba." Explain niya pero kahit niisa sa sinabi niya wala akong maintindihan.
Nangunot ang noo niya habang ako naman ay nakasimangot.
"Best friend ba talaga kita?" Natanong ko bigla.
Nakakainis kasi siya eh! Parang hindi naman siya boto saakin para sa pinsan niya eh?!
Nanlaki agad ang mata niya at tinampal ako sa braso.
"Oo no!! Bakit mo naman natanong yan?!"
Nagkibit balikat lang ako at tumayo. Hindi ko alam na sumunod na pala saakin si Natasha.
Dumukot ako ng piso sa bulsa at tinitigan ang fountain na puno na ng pera dahil nga naniniwala ang mga estudyante dito na banal ang fountain na ito at kayang isakatuparan ang hiling mo.
Ang iba napatunayan ito pero ang iba din 50/50 ang kinalabasan ng hiniling.
"Naalala mo pa nung bata pa tayo Kath? Yung nagtatapon tayo dito dati ng piso kasi nga naniniwala tayo na our wishes will come true kasi yun din ang sabi ni daddy saakin dati." Hindi ko siya binalingan at naramdaman kong nasa tabi ko na siya.
Nakatuon lang ang attention ko sa tubig ng fountain at kumikintab ito dahil sa reflection ng araw.
"Ah hindi eh...." pagdedeny ko.
"Kath naman eh! Wag ka ng magtampo oh!! Sorry nah." Niyakap niya ako.
As if namang hindi ko siya mapapatawad.
"Oo na." Mas humigpit ang yakap niya saakin kaya muntikan ng hindi ako makahinga.
Tinapik ko ang kamay niya at mukhang natauhan siya kaya kinalas niya agad ang yakapan namin habang ako naman ay habol ang hininga.
"Pinatawad lang kita pero hindi kita sinabihang patayin ako!" Nagpeace sign naman siya saakin kaya inirapan ko na.
"So, bakit ka nga pala kumuha ng piso?" Tanong niya.
"Hindi ba obvious? Magtatapon po ako ng piso sa fountain." Pamimilosopo ko.
"Sabi mo kasi hindi mo na maalala kaya malay ko bang ipagbibili mo yang piso mo." Napatawa na lang kaming pareho.
Sinirado ko ang mata ko at ibinulong sa hangin ang wish ko. Minulat ko ang mata ko at hina likan ang piso at tinapon sa fountain, sumunod naman si Natasha.
"Anong winish mo?" Tanong niya.
"Na magbreak sila, pero joke lang yun. Ang winish ko talaga ay sana maging masaya sila at sana makahanap naako ng boypren, ang hirap kayang maging single." Natawa naman siya sinabi ko.
"Ikaw? Anong winish mo?" Sumilip ako sa kaniya.
"Same rin sayo, maging masaya ang bespren ko at mahanap na niya ang kadestiny niya." Bumaling siya saakin at ngumiti.
Naluha naman ako at walang pasabi sabibg niyakap siya.
"Thanks Natasha..." I said while crying.
"I'm your best friend, what's best friend for diba..." tumango lang ako.
Hindi ko talaga maipagpapalit ang friendship sa anumang bagay dahil ang pagkakaibigan ay nandidiyan sayo parati na ka suporta. Pero hindi ko parin mapigilan ang nararamdaman ko para kay Tyson at naiinis na talaga ako sa sarili ko.
Tama nga si Natasha, maraming ng nagawa si Kate na mabuti saakin at hindi ko nasuklian man lang, kahit nung mga nagdaang birthday niya ay hindi ko siya naregaluhan, kaya kahit man lang ngayon ito magagawa ko siyang masaya, at yun ay ang hayaang maging masaya sila at susuportahan siya.
Mas importante ang kasiyahan ng iba kaysa sa kasiyahan ko.
~*~
____________________________________
Wala munang babala ngayon✌
-Speaking your Mayora_Donya
@Pammieaesthetic
Chapter 10 >>>>
BINABASA MO ANG
Mr. Sungit meets Ms. Mabait (Completed)
Teen FictionKatharine Deliacorte siya ay isang unpopular na babae na nagkagusto sa isang popular na lalaki na tapat bahay niya lang. Nung makilala niya ito nung bata palang sila ay nahulog na siya dito dahil sa angking talino nito at maladiyos na pagmumukha. Ty...