Nagklaklase na kami ngayon pero wala sa klase ang isip ko dahil lumilipad ito kay Prince at Kate.
Kung magsukatan sila ng titig akala mo namang may something sa kanila pero imposible yun.
Pinilig ko ang ulo ko at nakinig na lang sa lesson.
"Hoy!"
"Ay takteng kabayo!" Nagulantang ako.
"Oh? Bakit tulala ka diyan? Halika na, uwian na oh." Sabay kaming napatingin sa mga ka klase naming naglilinis na at nagliligpit ng gamit.
Napakamot na lang sa noo ko at napapikit ng mariin.
"Hey, tell me, bakit ka tulala diyan? And I've heard na may kasama ka daw na pogi kanina," siniko niya ako.
"Who's that guy huh?" Nagtaas baba ang kilay niya.
"Ahm si Prince, nakilala ko siya sa garden kanina." Simpleng sagot ko at tumayo para magligpit ng gamit.
"Oh my goshhh!!" Tumili siya bigla sa hindi malamang dahilan.
Nangunot ang noo ko at binalewala na lang siya.
"Siya ba yun?" May kung ano siyang tinuturo sa labas kaya nagtaka ako.
Lumingon ako sa labas at nakita ko si Prince duon, kumakaway siya saakin habang ngumingiti. Kumaway din ako at ngumiti sa kaniya.
Binilisan ko na ang pagligpit at nagmamadali ako sa paglinis habang si Natasha naman ay tanong ng tanong saakin tungkol kay Prince.
"Infairness ha, nakabingwit ka ng pogi at charming na lalaki, malay mo siya na pala ang tinadhana sayooo!!" Kinikilig na sabi niya.
Dapat nga kiligin din ako eh pero hindi ko talaga mahanap sa kaloob looban ko ang kilig hindi tulad sa nararamdaman kong kilig kay Tyson. Bakit ko nga ba siya kinukumpara kay Tyson?! Ughhh! Nakakainis naman eh!
"Natasha, hindi nga pala ako sasabay sayo sa labas ha kasi sasabay na kami ni Prince." Paalam ko.
"Sige, okay lang." Tinutulak tulak niya ako palabas ng room kaya ilag ako ng ilag sa panunulak niya.
Hindi ko namalayan na I just bump to someone. My body was pressed on him, alam kong lalaki siya dahil sa familiar scent niya. Ang kamay ko ay nasa dibdib niya at rinig na rinig ko ang lakas ng tibok ng puso niya. Nag angat ako ng tingin at nagulat ako ng mahulaan ko sino.
Lumayo ako sa kaniya at inayos ang sarili ko, nahihiyang tumingin ako sa kaniya.
"Sorry..." sabi ko at nilampasan siya.
"Sasabay ka ba saamin?" Tanong niya kaya nahinto ako at lumingon sa kaniya.
His face now is not cold, hindi ko alam kung ano ang pinapakita niyang emotion pero hindi ko talaga siya mabasa.
"Uhm, hindi, sasabay kasi ako kay Prince." Sagot ko.
Tumango tango naman siya kaya tumango din ako at lumapit na kay Prince.
"Let's go?" Tumango lang ako bilang sagot sa kaniya at naglakad na kami patungo ng library.
~*~
Napahikab ako at unti unti ng bumibigat ang talukap ng mata ko pero tinapik tapik ko ang pisngi ko.
"Wag kang matutulog, mag focus ka sa assignment mo." I speak to my self.
Bumuga muna ako ng hangin at gumawa ulit ng assignment.
3rd person's POV
Nang natapos na sa paglilibot sa buong library si Prince, tumungo naman siya kay Kath at nakita niyang nakatulog na pala ito. Umupo siya sa bakanteng upuan at pinagmasdan si Kath na mahimbing na natutulog.
BINABASA MO ANG
Mr. Sungit meets Ms. Mabait (Completed)
Teen FictionKatharine Deliacorte siya ay isang unpopular na babae na nagkagusto sa isang popular na lalaki na tapat bahay niya lang. Nung makilala niya ito nung bata palang sila ay nahulog na siya dito dahil sa angking talino nito at maladiyos na pagmumukha. Ty...