Masaya akong bumangon at agad na nagbihis para sa panibagong araw sa klase. Hinalikan ko si mama sa pisngi ng magpaalam na ako sa kaniya. Hindi ko lang naman nakakalimutan ang panenermon niya saakin kagabi kaya bumabawi ako sa kaniya today. Ako na ang nagsaing, nagluto ng ulam, at nag prepare ng lahat ng pagka gising ko kanina umaga.
Kinakabahan ako ngayon dahil hinihintay ko lang naman na dumating si Prince. Ngayon ko na kasi sasabihin sa kaniya ang lahat para hindi na siya umasa at ipapatigil ko na siya sa pagliligaw. Kagaya nga sa sinabi ni mama kagabi.
"Bawal ipagsabay ang dalawang tao dahil may aasa talaga at masasaktan sila pareho kaya maaga palang ay pumili ka na kung sino talaga para hindi na masaktan ang isa."
Grabe naman 'tong utak ko memorize eh.
May bumisina sa gilid ko kaya napatalon ako sa gulat. Napatingin ako sa gilid ko at bahagyang nangunot ang noo ko ng makita ko ang isang lalaking ka school uniform ko at fully helmet pati ang mukha niya. Inangat nito ang helmet at nakahinga naman ako ng maluwag ng makita ko si Prince lang pala 'to. Ngumiti siya na ikinagaan ng pakiramdam ko. Lahat ng kaba ko nawala dahil sa ngiti niya at alam kong hindi ako magkakamali sa gagawin kong desisyon.
Lumapit naako sa kaniya at nagulat ako ng halikan niya ako sa pisngi.
"Goodmorning, my Queen." Bungad niya saakin.
Nalungkot ako pero hindi ko pinakita iyon, ayaw ko naman na masira ang mood niya today kung dahil lang saakin. Pilit akong ngumiti sa kaniya. Sumakay naako sa motor niya at niyakap siya sa likod ng mahigpit. Ipinikit ko ang mata ko habang kinakalma ang sarili. Baka ito na ang huli kong yakap sa kaniya dahil mamaya ay sasabihin ko na sa kaniya ang lahat para hindi na siya umasa at para hindi siya masaktan. Alam kong masasaktan siya pero panandalian lang lang alam kong mahahanap niya din ang babaeng nararapat sa kaniya.
Bumaba naako at inayos ang buhok. He cupped my face at siya na ang nag-ayos ng buhok ko kaya ibinaba ko na lang ang kamay ko. Hindi ko sinasadyang mapatingin sa likod at nagulat ako ng makita ko si Tyson na nagpupuyos sa galit habang lumalapit saamin kaya wala pa sa alas kuwatro ay umatras na ako kay Prince na ikinagulat din ni Prince.
Napatingin ako sa likod at nakita ko kung paano nakahinga ng maluwag si Tyson at tumalikod na saamin.
"Hey, are you alright?" Napatingin ako kay Prince.
"H-huh?"
"I said, are you alright?" Tanong niya.
Napalunok ako at napabuntong hininga.
"Uhm yeah. I'm alright. Why did you ask?" Ikinuot ko ang noo ko para hindi niya mapansin ang kaba ko.
"You just space out earlier. Did you saw something from behind?" Lumingon si Prince sa likod niya at buti na lang dahil wala na duon si Tyson.
Bumaling siya saakin ulit. Ngumiti ako ng genuine sa kaniya at mabilis na umiling.
"Wala, nagtaka lang kasi ako sa sweetness mo today." Ani ko.
Mabilis na nawala ang ngiti ni Prince pero bumalik ulit ang ngiti sa mukha niya pero hindi tulad ng kanina. Nagtaka ako pero hindi ko pinakita.
"Diba nanliligaw ako sayo Kath? Kaya natural na magiging sweet ako sa taong pinuno ang halaga ko dito sa mundo at ikaw ang tinutukoy ko, Kath." Marahan niyang hinaplos ang pisngi ko.
Gusto kong lumuha pero pinigilan ko ang mata ko. Parang may pumiga ng puso ko. Hindi ko kayang saktan ang ganitong klaseng lalaki na pinahalagahan ako at itinuring na reyna na kahit hindi naman dapat at hindi ko hahayaang mas masasaktan pa siya sa tabi ko.
BINABASA MO ANG
Mr. Sungit meets Ms. Mabait (Completed)
Teen FictionKatharine Deliacorte siya ay isang unpopular na babae na nagkagusto sa isang popular na lalaki na tapat bahay niya lang. Nung makilala niya ito nung bata palang sila ay nahulog na siya dito dahil sa angking talino nito at maladiyos na pagmumukha. Ty...