Pahiya no. 8

1.5K 50 6
                                    

Pagkatapos naming mamili, pumunta naman kami ng jollibee para kumain.

Si Kate at Tyson na ang nagyayang magorder ng pagkain kaya naghanap na lang ng puwesto. Nang makahanap na kami, umupo agad kami.

Nilagay ko sa side ko ang mga paper bags at kinuha ang phone ko para malibang naman ako kahit papaano, at makalimutan tong nararamdaman ko.

"Hey, Kath. Are you okay?" Napatingin ako kay Natasha.

Kaharap ko kasi siya, tumango lang ako at binalik ang tingin sa phone.

"I know your not okay, best friend mo ko, at alam kong nagseselos ka." Bahagya akong natigilan at napaangat ng tingin sa kaniya.

"Natasha, bakit naman ako magseselos? At ano naman ang pagseselosan ko?" Nakaramdam ako ng kung anong kirot sa puso ko.

Tinitigan niya ako kaya bigla akong napababa ng tingin. Best friend ko nga talaga siya, kilalang kialala niya talaga ako.

"I knew it!" Biglang tumaas ang boses niya kaya nagpanic ako.

Tinampal ko siya sa balikat.

"Ano ka ba?! Hinaan mo nga yang boses mo!" Hasik ko sa kaniya.

Napairap naman siya at nag lean konti sa akin.

"You're jealous, nagseselos ka kila Kate at Tyson." Seryoso niyang ani.

Napakagat labi na lang ako at napatango.

"Oo na! Inaamin ko, nagseselos ako, pero wala akong karapatan dahil hindi naman akin si Tyson at best friend ko si Kate kaya hindi dapat ako magselos." Sabi ko.

Pinaningkitan niya lang ako ng mata kaya napahilig na lang ako sa bangko at napailing.

"Guys? Are you both okay?" Nagulat ako ng magsalita si Kate sa tabi ko.

Tiningala ko siya at tumango.

"Yeah, we're fine." Bumaling ako kay Natasha na ngayon ay nakangiti na rin.

"Right, Natasha?" Napatingin siya saakin at mas lumaki ang ngisi niya.

Tumingin siya kay Kate kaya binalik ko na lang kay Kate ang tingin ko.

"Yeah, we're okay." Sagot ni Natasha kaya nakahinga ako ng maluwag.

"Okay..." naupo na sa tabi ko si Kate at si Tyson naman sa tabi ni Natasha.

Iniwas ko na lang ang gawi ko kay Natasha para hindi ako matense. Naiinis ako kasi bakit ako nagseselos eh wala naman dapat akong iselos kasi kahit kailan hinding hindi magiging akin si Tyson dahil ang puso niya ay na kay Kate parin. Naawa ako sa puso ko, dahil patuloy parin itong umaasa kahit na wala naman ako aasahan kundi heart ache.

"Hey, tulala ka na naman, okay ka lang ba talaga?" Napatingin ako bigla kay Kate.

Nakakunot ang noo niya at kita kong sinsero talaga siya, naluluha ako at the same time naiinis sa sarili ko dahil sa dami dami pa naman talaga ng lalaki sa mundo bakit kay Tyson pa. Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang luha ko kaya nataranta si Kate, natatawa kong pinalis ang mga luha sa pisngi ko.

"Haha ano ba yan, ang iyakin ko talaga." Natatawang sabi ko.

Agad na pinahiran ni Kate ang pisngi ko gamit ng tissue.

"Ikaw ha! Bakit ka ba umiiyak?!" Naiinis na naluluhang sabi ni Kate.

Natawa naman ako at para mahimasmasan, niyakap ko siya.

"Akala ko kasi nakalimutan mo na yung favorite ko."

"Bakit ko naman makakalimutan yun? Ikaw lang kaya ang taong kilala ko na mahilig idip ang fries sa sundae at lagyan ng ketchup ng fries ang burger, I find it unique nga eh." Sabi niya.

Hindi sa nagbibigay ako ng dahilan pero totoo ang sinabi niya, paborito ko ngang gawin yun, para saakin masarap yun eh, para sa ibang tao they find it weird but for her, she finds it unique kaya nga mas naging open ako sa kaniya at siya din saakin.

Kumalas ako sa yakap at ginawa na ang paborito kong gawin, natawa naman siya, napasulyap naman ako ng palihim kay Tyson pero seryoso lang siya sa kinain niya kaya napabuntong hininga na lang ako.

Maraming shinare saamin si Kate lalo na nung mga past moments nila Tyson, ang ganda nga ng love story nila pero kahit ganun parang tinutusok ang puso ko ng paulit paulit kaya minsan binibigyan ko na lang sila ng awkward na ngiti.

Umuna na ng umuwi si Natasha kasi daw pinapauwi na siya. At ngayon ay naglalakad kaming tatlo pauwi tutal malapit lang naman ang subdivision dito. Tahimik lang ako habang sila naman ay nag-uusap ng mga bagay bagay. Nang tumapat na kami sa bahay namin, huminto na kami.

"Ahh, Kate, mauuna naako, sorry kung hindi kita maiimbitahan ngayon sa bahay." Pagpapaalam ko.

"Ano ka ba, okay lang yun, bye, see you tomorrow." Hinug niya ako.

Hinug ko din siya pabalik, ng kumalas na kami sa yakap humarap naman ako kay Tyson, nakatitig talaga siya saakin kaya napaiwas ako ng tingin at napatikhim.

"Ahh, mauuna naako, bye Tyson, see you tomorrow." Paalam ko at kumaway sa kaniya at kay Kate.

Binuksan ko ang gate at sinirado ito at pumasok ng bahay.

3rd's person's POV

Hinatid ni Tyson si Kate sa bahay nito na katabi lang ng bahay ni Kath, kahit na kasama niya si Kate pero ang isip niya ay lumilipad kay Kath, nagtataka siya kung bakit ganun ang asal ng dalaga.

"Uhmm...good night Tyson, see you tomorrow." Nabigla siya ng halikan siya ni Kate sa pisngi at wala sa sarili siyang napatingin sa bintana ng kuwarto ni Kath at nakita niya si Kath na nakatayo sa tabi ng bintana at umalis ito.

Lumayo na sa kaniya si Kate, tumango lang siya bilang sagot. Nang pumasok na si Kate sa bahay nila, si Tyson naman ay naglakad at napahinto muna sa tapat kila Kath. Napabuntong hininga siya at tumawid.

'Sana hindi bigyan ni Kath ng malisya ang nakita niya'

Kath's POV

Pinalis ko ang luhang tumulo sa pisngi ko.

Hayop talaga siya! Kahit kailan talaga paasa siya! Bwiset! Sana hindi na lang ako nagkagusto sa kaniya...ah hindi...sana...hindi ko na lang siya minahal. Oo, mukha naakong tanga rito, pero masisi niyo ba ako. Ikaw ba, hindi ka ba masasaktan pag nalaman mong may gusto sa iba ang crush mo? Siyempre! Masasaktan ka talaga!

Humiga ako sa kama at hinayaang tumulo ang luha ko hanggang sa naramdaman kong unti unting sumirado ang mata ko.

~*~

____________________________________

Babala:

Masakit talagang umasa sa taong hindi mo naman maaasahan.

-Speaking your Mayora_Donya

@Pammieaesthetic

Read.Vote.Comment







Chapter 9 >>>>

Mr. Sungit meets Ms. Mabait (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon