Humikab ako at bumangon sa kama, nag-inat inat muna ako at wala ako sa sariling napatingin sa bintana at nakita ko si Tyson na nakatingin saakin. Tinamaan agad ako ng hiya at pasimple akong nag ayos ng sarili. Kumaway ako sa kaniya pero....dedma na naman.
Haiysstt! Kakaiba talaga ang mood swing nun. Kagabi ang bait bait niya tapos ngayon ang sungit sungit na naman.
Nagtungo naako sa banyo, pumunta muna ako sa salamin at.....
"AHHHHHHH!!" Napatili ako dahil sa gulat.
3rd person's POV
Nagulat ang mama ni Kath dahil bigla itong tumili kaya dali dali siyang umakyat sa kuwarto nito.
"Nak! Okay ka lang ba?" Pumunta siya sa banyo at nakita niya si Kath na nakatayo sa harap ng salamin.
"Anak! Okay ka lang?" Lumingon sa kaniya si Kath.
May kung ano itong tinuturo sa ilong kaya lumapit siya at tiningnan ang ilong nito. Napabuntong hininga siya ng makita niya ang isang tigyawat sa ilong nito. Namewang siyang humarap sa anak niya at pinagpapalo ito sa puwet.
"Ikaw ha! Akala ko kung ano ng nangyari sayo! Yun naman pala may tigyawat ka lang sa ilong! Ikaw batang ka! Pinakaba mo ako." Sige namang ilag si Kath para hindi matamaan sa palo ng kaniyang nanay.
"Ma naman eh! Papangit ka kaya pagmay tigyawat ka sa mukha, bakit ikaw? Hindi ka ba pumapangit pag may pimples ka?" Nilibot na nila ang buong banyo dahil naghahabulan na sila.
"Iniiba mo pa talaga ang usapan ha!" Tumakbo na palabas ng banyo si Kath at pumunta sa kabilang gilid ng kama.
Sumunod naman agad ang nanay niya kaya umakyat siya ng kama at pumunta naman sa kabila.
"Mama naman eh! Sorry na! Hindi ka ba napapagod kakahabol saakin?"
"Heh! Tumahimik ka!"
Binuksan muli ni Tyson ang bintana ng matapos na siyang magbihis, hindi niya aakalain ang makikita niya sa tapat niya bintana. Nakita niyang hinahabol ng nanay ni Kath si Kath habang may bitbit na tsinelas. Hindi mapigilang hindi matawa ni Tyson sa kakulitan ng mag ina. Natatawa niyang sinirado muli ang bintana niya at bumaba para kumain ng umagahan.
BINABASA MO ANG
Mr. Sungit meets Ms. Mabait (Completed)
Teen FictionKatharine Deliacorte siya ay isang unpopular na babae na nagkagusto sa isang popular na lalaki na tapat bahay niya lang. Nung makilala niya ito nung bata palang sila ay nahulog na siya dito dahil sa angking talino nito at maladiyos na pagmumukha. Ty...