Lumabas ako ng kuwarto at nakitang wala na dun si Tyson. Napabuntong hininga ako at wala sa sariling lumapit sa drawer at tinitigan ang picture namin ni Jeff. Nasa Hong Kong kami ng mga araw na ito dahil birthday gift ito saakin ni Jeff. Pareho kaming nakangiti. Nakaakbay naman saakin si Jeff. Pareho kaming may suot na headbands. Binitiwan ko ang picture namin at aalis sana ng mapansing nawawala ang picture ko na katabi lang sa picture namin ni Jeff. Ang frame ay nandito pa din pero ang picture ko ay nawawala. I just shrugged and went to kitchen.
Kahit nung umiinom ako ng tubig, hindi parin nawawala sa isipan ko ang nangyari kanina. Nagtungo ako ng kwarto at naligo. Buti pang bisitahin na lang si Natasha para mawala yun sa isipan ko.
~*~
Nag-door bell ako. Agad akong pinagbuksan ng kasambahay nila. Nakatira na si Natasha at ng fiance niya sa iisang bahay. Agad akong sinalubong ng kaibigan ko. Niyakap ko siya.
"Buti naman at napadalaw ka." Bungad niya saakin.
"Na-miss kita eh." Pag-amin ko.
Kumalas siya sa yakap at agad akong hinila paloob ng bahay nila. Umupo kami sa sala.
"Eto nga pala, may pasalubong ako sayo." Inabot ko sa kaniya ang dala ko.
Kinuha niya ito at binuksan. Namangha si Natasha sa nakita. Nagulat ako ng yakapin niya ako bigla.
"Salamat, Kath. Sigurado akong magugustuhan ito ng anak ko. "
"Sus, wala yun." ani ko.
Nag-usap pa kami ng mga bagay bagay at nagpag-planuhan namin na magbakasyon pagkatapos nitong manganak.
"Ikaw, okay ka lang ba?" Biglang tanong niya.
Nasa kusina kami at abala kami sa pagluluto para sa dinner.
"Oo naman, bakit?" Nagtataka akong tumingin sa kaniya.
Binigyan niya ako ng pagdududang tingin. Napabuntong hininga ako at binigyan siya ng assurance.
"Okay lang ako, promise." Itinaas ko ang right hand ko.
"Ayoko lang kasing masaktan ka ulit." Talagang kilalang kilala talaga ako nito.
"Natasha, may mahal na akong iba, at sigurado na ako dito. Hindi ko ito pagsisihan dahil alam kong mahal ko si Jeff." Sagot ko.
Bumuntong hininga si Natasha at tumango na din. Nagpatuloy lang kami sa paghahanda. Malapit na ang kasal ni Natasha at sa susunod na buwan na ito. Gaganapin daw ito sa isang pribadong isla na pagmamay-ari ng asawa niya at bukas ay pupunta ako dito dahil kailangan na naming magsukat ng damit.
Pagkatapos naming mag dinner ay umuwi naako dahil gabi na. Akmang bubuksan ko na sana ang pinto ng condo nang agad akong pinigilan ni Tyson.
"Can we talk?" Tanong niya.
Mabilis akong tumango at pinagkrus ang braso sa dibdib. Namulsa ito at tumitig saakin.
"I'm sorry about what happened lately, it was a mistake and I'm being a jerk again. I'm really sorry." Sabi nito.
Bahagyang kumurot ang puso ko. So it was just a mistake? I thought it was something else. Pilit akong ngumiti.
"Okay lang. It was just a mistake." Tumawa ako para hindi nito mapansin.
"So are we cool?"
Tumango ako at nagpaalam na magpapahinga na. Napasandal ako sa pinto. Sarap itapon yung sarili ko sa apoy dahil sa inis. Bakit parin ba ako umaasa at nasasaktan?? For pete's sake! May fiance naako! Dapat ko na talagang iwasan si Tyson habang maaga pa.
BINABASA MO ANG
Mr. Sungit meets Ms. Mabait (Completed)
Genç KurguKatharine Deliacorte siya ay isang unpopular na babae na nagkagusto sa isang popular na lalaki na tapat bahay niya lang. Nung makilala niya ito nung bata palang sila ay nahulog na siya dito dahil sa angking talino nito at maladiyos na pagmumukha. Ty...