Pahiya no. 22

1.5K 44 0
                                    

Nabigla ako ng may pumutok na confetti ng buksan ko ang pinto ng bago naming bahay. Niyakap ako ni Natasha kaya niyakap ko din siya.

Maya maya lang pagkatapos magbatian,  pumunta na kami sa dining area at nagsalo salo sa dinner. Maraming pagkain silang hinanda para saamin kaya sobrang busog talaga ako. Inaya ako ni Natasha na libutin daw namin ang buong bahay. Mas malaki ang bagong bahay namin kaysa sa luma naming bahay. May sala, kusina, dining area, comfort room sa 1st floor palang yan at huli naming pinuntahan ang 2nd floor na kung saan may limang kuwarto, may music room, dance room, at may mini
gym pa. Sobra akong namamangha sa lahat at may rooftop pa ito na kung saan ay may swimming pool duon at pwede kang mag star gazing. At hindi lang yun dahil may dalawang katulong na din kaming kasama ni mama dito sa bahay kaya hindi na siya mahihirapang maglilinis dito.

Sobrang nagpasalamat kami ni mama sa kanila ni Natasha at ng parents niya dahil kung hindi din sa tulong ng parents ni Natasha at siya ay hindi kami magkakaroon ng ganitong bahay.

Last na pinuntahan namin ang kuwarto ko at namangha agad ako ng makita ko ang loob ng kuwarto. May queen size bed duon na ang bed shit, ang kumot at ang unan ay panda ang disenyo. Kulay pink ang walls at may lamp din sa tabi ng kama at may mini chandelier sa kisame. Carpeted ang sahig na ang disenyo ay panda din. May bathroom din, may bathtub at shower, may walk in closet pa. Sa bintana naman  ay nanduon ang malaki na study table ko at sa taas nun ay isang mini cabinet na kung saan ay puno ng libro.

Sa sobrang pagka mangha ko ay nahiga ako sa kama na agad akong tinabihan ni Natasha. My amusement washed out when I remember what Tyson said. Napatili na lang ako dahil sa kilig na nadarama. Tinakpan ko ng unan ang mukha ko na inaagaw saakin ni Natasha.

"Hoy! Anong nangyayari sayo? Bakit bigla ka na lang tumili diyan?" Ani ni Natasha.

Kaya umupo ako sa kama at hinawakan ang dalawa niyang kamay.

"Hinalikan ako ni Tyson sa noo." Patili kong sabi.

Nanlaki ang mata niya at napanganga siya. Hinawakan ko ang pisngi ko dahil nag init ito.

"Talaga?" Hindi parin siya makapaniwala.

Kahit nga ako kanina eh, hindi din. Mabilis akong tumango at tumili din si Natasha kaya sinabayan ko.

"Seryoso? Oh my gosh!! Maybe this is the sign!" Patili na sinabi ni Natasha.

"Sign of what?" Tanong ko.

Iniripan niya ako at nilagay ang dalawang kamay niya sa bewang niya.

"Manhid ka ba? O nagmamanhid manhiran? Hindi mo ba nararamdaman? Bakit ka niya biglang hahalikan sa noo kung wala siyang nararamdaman para sa'yo?" Napaisip naman ako.

Tama nga siya pero baka ang kiss na yun ay for friendship lang, diba? Ayaw ko ng umasa kung sa huli masasaktan lang naman pala ako. Nalungkot ako bigla na ikinabagsak ng balikat ko.

"Baka for friendship lang?" Wala sa sariling sagot ko.

Binatukan niya ako bigla kaya nabalik ako sa wisyo at napahimas sa batok ko.

"Tanga ka ba? Bakit? Lahat ba ng mag friendship ay kailangan na mag halikan sa noo? Bakit ako? Gusto mo halikan kita sa noo." Saad niya at akmang lalapit saakin pero lumayo ako.

"Oo na! Please just stop it." Pagpipigil ko sa kaniya.

"Pwede bang wag muna natin siyang pag-usapan at mag usap na lang tayo kung ano ang gagawin natin everyday?" Pang iiba ko sa usapan.

Tumango si Natasha na ikinaluwag ng hininga ko. Buti na lang at naiba namin ang usapan baka kung hindi nangyari yun ay baka kanina paako sumabog sa kakaasa. Dito na natulog saamin si Natasha dahil nag sleep over siya dito na agad namang pinayagan ng mga magulang niya.

Mr. Sungit meets Ms. Mabait (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon