Special update po ito dahil napaka special din po ng taong 'to. Kung si Kath ay minahal niyo sa story niya, well minahal niyo din po siya sa story na yun. So I've decided na gumawa din ako ng story niya. Please also support her story. 🕷️Happy Halloween everyone! 🎃
Boo! 👻
______________________________________
Arg! Kailangan kong makahabol sa concert nila! Kung hindi lang talaga dahil sa lalaking yun, eh di sana kanina paako dun. Hintayin niyo ko mga asawa ko, hahabol ako!
"Shit..." Napamura ako.
Ang haba na ng pila sa entrance. Mabilis akong nag-park ng kotse. Tumakbo ako papuntang entrance at nakisiksik sa mga tao. Fudge! Kailangan kong makahabol! Buti na lang dumating na yung order kong light stick ng BTS kaya hindi ko na kailangang dumaan sa merch.
Habang patagal ng patagal ay nawawalan na ako ng pasensya sa pila. Napatingin ako sa relos ko. I gasp when I saw what time is it. The concert of BTS is almost starting! Tapos hindi pa talaga umuusad ang pila!!
Naghintay paako konti. Maya maya lang ay ako na ang susunod. Nagkaroon ako ng pag-asa nung ako na. Napangiti ako ng malawak. Hay salamat ako na, waiting is all worth it. Nag-ayos ako ng buhok at nagpabango ng konti.
"Sorry guys but the venue is full of people already." Nahulog ang ngiti ko at nanlaki ang mata.
"Hindi pwede 'to, kuya."
"Papasukin niyo kami..."
"Ibalik niyo ang pera namin!"
Madaming nagreklamo at isa naako duon.
Hinawakan ko ang lalaki sa magkabilang balikat at niyugyog siya ng marahas.
"Kuya hindi pwede!! Kanina pa ako naghihintay dito tapos sasabihin mo na puno na ng tao?! Hindi pwede yun! Papasukin mo ako!" Nagpumilit akong pumasok pero pinigilan ako ng lalaki.
No! Hindi pwede 'to!! Mga asawa ko!!
Napagod ako katagalan at hindi na nagpumilit. Bagsak balikat akong umalis duon at naluha. Mahina akong napahagulgol. Bakit ganun? Ang daya daya naman, ang tagal kong naghintay tapos ganun na lang? Kung sana hindi ako inutusan ng marami nung lalaking yun, eh di sana nakaabot paako. Bwiset talaga ang lalaking yun! Hindi ko siya mapapatawad!
Natigil ako sa paghagulgol nang may nag-abot ng panyo saakin. Napa-angat ako ng tingin.
"What are you doing here?!" Galit na tanong ko.
"Stop crying, you looks stupid. Here take this," Nilagay niya sa kamay ko ang panyo.
Galit akong tumingin sa kaniya. Dahil sa hinayupak na 'to kaya hindi ako nakapanood ng concert ng mga asawa ko!
"Kung sana hindi mo saakin inutos ang lahat na mga 'yon, eh di sana nakapanood paako! Alam mo bang napaka mahal ng VIP ticket nila? It cost thousands you know?! Ang ipinangbayad ko lang naman ay yung one month allowance ko. Ang tagal ko ng hinintay ang concert na ito tapos masasayang lang sa wala. Kasalanan mo 'to! " Sabay turo ko sa kaniya.
He looked at me bored. Kinuha niya ang kamay ko kung saan nakaturo sa kaniya at ibinaba niya. Namulsa siya at tumayo ng maayos.
"Sundan mo ko." Naglakad siya patungong entrance.
Hindi agad ako nakakilos at ayaw pang prumoseso sa utak ko ang sinabi niya.
"Hey!" Napakurap kurap ako at lumingon sa kaniya.
Sininyesan niya akong lumapit sa kaniya. Nakatingin saakin ang lahat ng tao. Tumingin ako sa baba dahil sa kahihiyan. Naglakad ako papalapit sa kaniya. Nag-angat ako ng tingin and I forced a smile.
"You remember her?" Nagulat ako sa tanong niya.
Napatingin ang lalaki saakin na naka enkwentro ko kanina.
"Yeah I know her. Siya yung kaninang nagpupumilit na pumasok." Napapikit ako ng mariin sa sagot ng lalaki.
F*ck! Bakit pa kasi tinanong niya?! Nakakahiya!!
Lumingon ako konti kay Travis. Matalim itong nakatitig saakin kaya agad akong nag-iwas ng tingin. Napakagat labi ako at kinuyom ang kamay.
Nabigla ako ng higitan niya ang kamay ko at pumasok sa venue. Hindi nag-proseso sa utak ko ang nangyayari ngayon. Akala ko ba bawal pumasok? Bakit kami pinapasok? Ayt! Nakalimutan ko nga palang sikat 'to na businessman and he can use his connections everywhere. I think he used his connection just now.
Ewan ko pero nagpahigit lang ako sa kaniya. When I came to my senses, I pull my hand from him. Natigil siya sa paglalakad at nagtatakang napalingon saakin.
"What?" He asked with confusion.
"What are you doing?" Nanliit ang mata ko.
"What I'm doing? Akala ko ba you want to watch the concert of this gays?" Nairita ako sa tinawag niya sa mga asawa ko.
"It's BTS! And they're not gays!!" I defend.
"Yeah, whatever. So what? Are you gonna watch or not? I'll just leave then." Akmang aalis ito kaya pinigilan ko siya.
"Okay fine! L-let's watch then." Nag-iwas ako ng tingin at napakagat labi.
Nauna na akong naglakad sa kaniya. Sumunod naman siya agad. Pinapasok kami sa loob. Na-amaze ako sa nakikita ko. Ang daming taong dumalo sa concert. Dahil sa sobrang amaze ko, hindi ko namalayan na hinila pala ako ni Travis papuntang VIP section. Umupo kami.
Dumilim ang buong studio at nagsigawan ang lahat ng nag-perform ang BTS sa stage. Kahit ako ay napasigaw sa tuwa. In-on ko ang light stick at winagayway ito. Hindi ko pinansin si Travis na nasa tabi ko lang. Ang lahat ng fans ay nakisabay sa kanta nila at isa na ako don.
"I love you, Taehyung!!" Sigaw ko.
Mas lalong nagsitilian ang lahat ng bumaba sila sa stage at namigay ng roses. Nagulat ako ng lumapit sa direksyon ko si Taehyung. Ngumiti siya saakin at tumigil sa harap ko. Inabot niya saakin ang flower. Tulala kong kinuha ang flower sa kaniya. Kinindatan ako nito at umalis.
"Wahhh!" Sigaw ko at pinaghahampas ang braso ni Travis.
"Ano ba!?" He hissed.
Nag-peace ako sa kaniya and I mouthed 'thank you' at him. I saw a smile escaped his lips. Natulala ako at nagulat. Did he just smile? Kumurap ako at naguluhan ng bumalik na ang dating expression nito sa mukha. Baka namamalikmata lang ako. Ibinalik ko ang attention sa harap.
~*~
______________________________________
Sino kaya 'to? Comment down kung sino sa tingin niyo 'to.
-Speaking your Mayora_Donya
@Pammieaesthetic
Chapter 35>>>>
BINABASA MO ANG
Mr. Sungit meets Ms. Mabait (Completed)
Novela JuvenilKatharine Deliacorte siya ay isang unpopular na babae na nagkagusto sa isang popular na lalaki na tapat bahay niya lang. Nung makilala niya ito nung bata palang sila ay nahulog na siya dito dahil sa angking talino nito at maladiyos na pagmumukha. Ty...