7
JOEY
I don’t know what’s with this guy...
Ayaw niya akong pakainin dun sa Kwek Kwekan (Whatta term? HAHA.)
Hinatak lang niya ako ng hinatak.
And Kaboom!
Nandito na kami sa tapat isang bahay.
“Anong gagawin ko dito??” I asked as we stopped in front of a white bungalow house.
Hindi maliit, hindi rin sobrang laki. Sakto lang, pero ang cute nung bahay.
From the outside, makikita mo yung mini garden sa gilid – na punong puno ng bulaklak at may bench sa gitna.
“Kakain.” He plainly said. Saka nag doorbell.
“Huh? Kakain? Pwede naman akong kumain sa---” But he interrupted.
“Kakain ka dito, nagpaluto ako ng gulay kay Mommy. You need a lot of vegetable.”
“Ba--bahay niyo 'to?? But---” But bago pa ko nakapagsalita, may nagbukas na ng gate nila.
Maganda yung babae, around 35 to 40 years old. Maputi, may kahabaan yung buhok... At parang girl version ni Zach!
“I’m home Mom!” Bati ni Zach.
“How’s school Hijo?” She asked.
“Good but tiring as usual.”
Then tumingin sakin yung Mommy niya.
“Uh... Eh... Hello po. Good afternoon po.” I greeted.
“Good afternoon din Hija, Joey tama?” Tanong ng Mom ni Zach.
“Ah... Opo opo. Joey po.” I said.
Fun Fact: Hindi ko alam, pero ang awkward for me pag may kausap akong matanda (aside sa mga kilala ko na talaga.) I don’t know if it’s just they’re new faces or me being polite to them.
“Pasok kayo.” Sabi ng Mom niya.
Tinignan ko na lang si Zach – na naka ‘mukhang nakakainis’. Well, lagi namang nakakainis yung mukha niyan, nothing is new.
Pag nakapasok kayo ng bahay nila Zach...
Walang kasing linis at ayos.
Pagpasok niyo ng pintuan, sa kaliwa yung sala. Medyo bababa ng hagdan (Mga 3-4 steps lang naman. Then sala na.) – may piano, maraming figurines, furniture at kung ano ano pang decorations yung sala nila. Then, sa bandang kanan – nandun naman yung panuoran nila – may sofa, may stereo, DVD, speakers at flat screen na TV.
“Maghapunan muna kayo, nagluto ako ng Chopsuey at Beef Steak.” Sabi ng Mom niya. “Balita ko kasi nagkasakit ka daw Joey Hija, kaya kailangan mo ng vegetables at protein.” Sabi ng Mom niya, sabay ngiti sakin.
Stunned.
Inihatid niya kami sa dining area nila.
Simple lang yung dining area nila, may lamesa at 6 na upuan, sa gilid – nandon yung mga counters, oven, toaster – at kung ano ano pa. Then sa may corner, may screen – palabas sa kitchen.
BINABASA MO ANG
Meet Me Halfway
Teen FictionPrologue He loves shrimp And I’m allergic. He’s smart So I let him do my homework. He’s pretty creative While I’m not productive. He doesn’t want fights So I kick him most of the time. He’s too sensitive And I don’t care. We’re differ...