Eight

463 13 8
                                    

8

WILSON

  From: Greg

Pre, sorry may lakad.  

  From: Zach

I have Tutorial.  

  From: Fourth

May lakad. Next time.  

Nasan ang mga kaibigan kung kailangan mo sila?  

“Manong! Isa pa nga!” Sabi ko.

“Oh, eto oh.” Abot niya sakin. “May problema ba Wilson? Bakit nandito ka magisa?”

Kilala na kasi ako dito eh, madalas kasi kami dito ni Greg. Minsan si Zach and never si Fourth. Naku hindi pumupunta sa ganito si Fourth.  

“Wala sila Greg Manong eh, may kanya kanyang lakad. Pfft.” Sabay inom.  “Kaya magisa ako dito.”

“Ah... Ganun ba? Maiba lang ako Wilson.” Sabi niya. “Kanina pa kasi nakatingin sayo yung babae dun oh.” Turo ni Manong sa may likod ko.

At ayun nga, paglingon ko may babaeng nakatingin sakin.

Although, hindi ko talaga maa-assure na sakin siya nakatingin kasi parang kinikilala pa lang niya ako.

“Bettina!” Sigaw ko.

Ngumiti naman siya, then lumapit kagad.

EHHHHH. Nakakabading kinikilig ako.    

“Ikaw nga pala talaga Wilson.” Sabi niya. “Near sighted kasi ako eh. Kaya hindi kita masyadong nakikilala sa malayo.”  

“Ah. Ganon ba? Bakit hindi ka magsuot ng salamin?”   I asked.

“Ayoko nga---- Teka, matamis ba sauce nyan?” She asked sabay turo dun sa kinakain ko. I nodded “Enge naman!” Sabi niya sabay tusok dun sa fish ball ko.

Oh. Kala niyo naman kung nasan ako. HAHA.   

Nandito lang ako sa tapat ng school – kay Manong fish ball.  

“Buti na lang dumating ka Hija, kanina pa nagmumukmok ‘tong si Wilson dito eh.” Sabi ni Manong.

“Si Manong talaga---”

“Bettina po Manong!” Sabi niya sabay kaway kay Manong. “Oh? Nasan sila Zach?”   Tanong naman niya sakin.

“Ewan ko ba dun... Sabi niya may tutorial daw siya---”  

“TUTORIAL?!”  Gulat na gulat niyang tinanong. I nodded. “OMG. OMG. OMGGGGGGG!!!”      Ayan naghi-hysterical na naman siya.“Seriously?! OMG!!!!”   

“Bakit ano ba yun?”   I asked.

“SECREEEEEEEET!”   Sigaw niya na parang bata.

Hay Bettina, why you have to be sooooo cute and adorable.

“Tch.   Sige ikaw na madamot.” Sabi ko sabay hatak ng fish ball sa harap ko. “Bawal kumuha ang madamot! Che!” 

Meet Me HalfwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon