Six

397 14 1
                                    

6

BETTINA

Hindi ko alam kung saan ako magugulat. Kung dahil may lagnat daw si Joey or because of the fact na nasa apartment ni Joey si Zach.

“Ah sige ha, mauna na ko. Pupuntahan ko lang si Joey sa apartment niya.” Sabi ko kila Wilson.

Ewan ko ba, after nung incident sa clinic madalas na silang magpakita samin ni Joey. Although I don’t mind at all, pero parang pinapatay naman ako sa tingin nung mga babae sa school namin.  

“Pupunta ka sa apartment ni Joey?” Greg asked. "Sama ME!”   Sabi niya.

“Ako din! The fact na nandun si Zach, kailangan kong maging update sa status nila ni Joey.”  Sabi naman ni Wilson na may nakakalokong ngiti.

“Erm... Ano ka ba, hindi nga daw sila---”   I said nang mapatingin ako kay Fourth.

“Ikaw pre? Sumama ka na din kila Joey!” Pangaaya naman ni Greg sabay akbay kay Fourth.

“Ah ok sige.” Yun lang yung sinabi niya, sabay lagay ng dalawang kamay niya sa bulsa at naglakad.

Nang makalabas na kami sa school.

“Teka, tatawagan ko lang yung driver ko.” Sabi ni Fourth sabay labas ng cellphone niya.

Tss. Sya na talaga mayaman.  

“Ah eh, pwede naman tayong maglakad lang. 2 kanto lang naman yung layo dito nung apartment ni Joey.” I explained.

“Okay lang, tinatamad na din akong maglakad.” Sabi naman ni Fourth.

Tch. Ikaw na talaga ang mayaman.  

After a minute may humintong itim na sobrang kintab na sasakyan sa tapat namin.

“Lets go.” Sabi ni Fourth sabay punta sa tapat nung upuan sa harap.

Wow. I’m not into cars pero sa tingin ko super mahal ‘tong sasakyan na ‘to. Kakaiba kasi yung itsura eh.

Nauna ng pumasok si Greg.

“Tara na Tintin!” Sabi naman ni Wilson sakin habang tinutulak ako papasok ng sasakyan.

Nang makasakay na kami.

“Anong Tintin?”   I asked him.

“Eh di ba? Bettina Kristine name mo? So Tin Tin yung nickname para sayo!”  

“Pano mo nalaman na Bettina Kristine ako?”   I asked.

“Ah... Eh...”   Sabi niya habang nagkakamot ng ulo. “Yan!” He shouted habang nakaturo sa ID ko. “Ayan oh? Samson, Bettina Kristine. Di ba?” 

“Ahh... Hindi lang ako sanay sa Tin Tin.” I explained.

“Basta, Tin Tin na itatawag ko sayo---”  

“Ay Kuya, kanan po kayo dyan!” Nagulat ako, nang mapansin ko yung 7-eleven sa kanto. Nandito na pala yung lilikuan papunta sa apartment ni Joey.

“Then, hinto po kayo dyan sa tapat nung flesh na gate. Yung pangatlong gate po.” I exclaimed. “Ayan, nandito na tayo.”

Meet Me HalfwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon