Twenty Six

257 11 4
                                    

26

 

“So?...” Salita ni Mommy na may kilig kilig pa sa tono nya habang nginingitian akong nakakaloko.

Pinirmi ko na sa loob ng bag ko yung phone ko, bago pa manilip ‘tong nanay kong mas malala pa kay Bettina.

“Anong So?” Tanong kong nagmamalinis.

“Sus. ‘Tong anak ko ayaw magkwento.” Sabi nya habang may ngiti pa rin sa mukha at nagtext sa cellphone nya.

“Tss. Wala naman eh.” Mahina kong sabi sabay tingin sa labas.

Zach kasi. 

Landiiiiii.

 

Oo na. Syempre pumayag ako.

Ano gusto niyo? Magpa hard to get pa? HAHAHAHAHA—

“Anyway Louise, sa bahay na nga pala tayo didiretso ngayon.” Sabi nya na parang wala lang. Casual na casual pa.

“Sa… bahay?” Pagaalinlangan ko.

“Yes. Sa bahay natin.” She said with a smile.

Okay. Wait lang. Sa bahay natin.

Namin.

 

“Okay…” Sabi ko dahil nablanko na naman yung utak ko at parang di alam ang dapat isagot. Then I heard her sigh.

“Is this too fast for you Louise hija?” She asked, nakatingin sya na para bang nagaalala na baka bigla na lang akong tumalon sa gitna ng EDSA.

“Uh… Di ko… Kasi… Yung…” Utal utal kong sagot. “Yung… mga gamit ko po kasi sa apartment—” Pagdadahilan ko na sobrang babaw kasi hindi naman yun talaga ang iniisip ko.

“Oh. If yan ang inaalala mo, don’t worry about it. Nakausap ko na ang auntie mo and we fixed that last night. All of your things ay nasa bahay na natin. Kami na naglipat—”

“Po??—” Gulat na gulat kong tanong.

“Don’t think too much anak. I’m here.” She assured me sabay hawak ng mahigpit sa kamay ko.

Hindi ko alam pero lahat ng pagaalinlangan ko at pagaalala ay bigla na lang nawala. Sinuklian ko na lang din si Mommy ng matamis na ngiti.

Ewan. Bahala na.

Nakaya ko ngang magisa noon. Ngayon pa kaya na may kasama ako?

--

Lumipas ang ilang minuto at lumiko kami sa isang village. Sa labas pa lang, kitang kita na maganda yung village. May guard house, may sandamakmak na gwardya sa labas at may K9 pang tigaamoy ng mga kotse.


Mall lang? HAHAHA.

Pagpasok namin sa village, agad kong tinanaw yung mga bahay sa loob.

OA LANG SA LAKI.

Ano ba ‘to?!

Meet Me HalfwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon