Thirty Four

209 10 3
                                    

Follow me on Twitter: WPzedxx

34

WILSON

"Ano nangyari sa mukha niyo? Biyernes Santo?" Tanong ko nang sumalampak ng upo si Joey at Bettina sa harap namin.

Nageexpect na ako ng comeback from Joey, tulad ng madalas niyang ginagawa... Pero lumipas na ang ilang segundo ay nakatunganga't nakasimangot parin silang dalawa sa kawalan na para bang ang bigat ng dinadala nila.

"Okay... Kinakabahan ako na ako ah. Sinong may sakit? May cancer ba ang isa sa inyo? May taning na ba ang buhay mo, Joey?!—" Sunod sunod kong pa-hysterical na tanong na agad namang naputol nang batukan ako ni Zach. "Anak ka ng tinapa!"

"No. Anak ako ng nanay ko." Blankong sagot niya sa akin bago magtusok ng straw sa Chuckie na inabot niya agad kay Joey.

Si Joey naman ay blank face pa din, pero automatic naman niya itong kinuha galing kay Zach.

PG lang?

"Sabi ko naman sayo, 'wag mo masyadong dibdibin. May isang quarter ka pa para bumawi." Sabi ni Zach kay Joey.

"Alam niyo, pwede naman kayo magshare?" Sabi ni Greg nang makisali na siya sa usapan. "I mean... Kwento from the top?" Sarcastic niyang dagdag.

"No taglish nga, Greg di ba? Masyadong pambakla. Ayaw ni Virla ng ganyan!" Hirit naman ni Joey pagkaubos niya nung isang pack ng Chuckie—WOW! Gutom ba?!

"Basta gusto mo na din ubusin yung tetra pack, Jo." Pangiinis ko kay Joey na agad naman akong sinimangutan.

"Tumigil ka nga dyan, Fourth. Kinikilabutan ako." Biglang sabi ni Bettina, yun ang una niyang sinabi simula nung umupo siya sa tabi ko – Hindi naman sa nagseselos ako, pero nagseselos ako – pero hindi ko naman din aaminin na nagseselos ako – pero nagseselos nga ako—ANYWAY!!! Bakit si Fourth agad ang pinansin niya?!

WHAT ABOUT ME?!

"Hayaan mo na, Bechay..." Wala sa sariling sabi sa kaniya ni Joey, di nga niya napansin na sinimangutan siya ni Bettina sa pagtawag niya dito ng Betchay. "Mukhang lumalablife lang yang si ungas." Nguso ni Joey sa 'technically' cousin niyang si Fourth – na kanina pa text ng text at ngumingisi ng manyak. (Yes, yun yung tawag nila sa isa't isa. Technically cousins. I know... So weird. And yes, manyak talaga yang si Fourth!)

"Tangina mo, Fourth! 'Yan ba yung tiga DLSU?!" Biglang sabi ni Greg na nagpagulat sa aming lahat. (Ngayon ko lang ulit narinig magmura ng ganon kalutong 'tong si Greg!) At agad na silang nagchismisan ni Fourth na parang mga babaeng kinikilig—Syempre, ganyan naman kami noon pa. Well ako, noon lang, I'm a changed man ya know?

"Anyway... Going back, before we're rudely interrupted." Maarteng sabi ko at hinarap na yung dalawang babae sa tabi namin ni Zach.

"Kadiri ka, Wilson." Joey hissed bago nagbuntong hininga at nangalumbaba sa table.

"Ano ba meron?"

"Lumabas na kasi class standing ng batch natin kanina." Bettina started and of course she sighed – grabe! Mabigat ba ang dinadala nitong dalawang 'to?

"Yeah... and so?" Wala sa loob kong sagot.

Wala naman sa akin yang class standing class standing na yan. Nasa first section ako and hello, hindi sa pagmamayabang pero mayabang naman talaga ako – pero – OO NA OO NA! Wala ng unnecessary comments! Hahaha. Pero ewan, nasa genes ko na sigurong matalino ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 14, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Meet Me HalfwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon